Advertisers

Advertisers

16th PKTS Open Karatedo Championship …MKKPI OVERALL TEAM CHAMPION SA E- COMPETITION

0 232

Advertisers

DINOMINA ng koponang Maharlika Karatekas ang ika-16 na edisyon ng PKTS Open Karatedo Championship, E-Kata Competition kamakailan.
Kumopo ng kabuuang 8 ginto ,3 pilak at 3 tanso ang MKKPI upang tanghaling kampeon pangkalahatan habang ang segundang Karate Development Arts (KDA)ay may kamadang 6-3-6 kasunod ang terserong PKTS Gasian na may uwing 6-2-4.
Binubuo ang top 10 ng (4) PKTS-Ilocos Sur, 4-1-1, (5) PKTS-Vista Mall Antipolo, 2-6-7 (6) PKTS Marikina, 2-5-4, (7) PKTS GKD, 2-3-1, (8) PASKA, 2-1-2, (9) PKTS, SSKI-JKS, 1-2-3 at (10) LSGH Karatedo, 1-1-3.
Sa individual event ng torneong inorganisa ng Philippine Karatedo Traditional and Sports sa pamumuno nina Shihan Raymund Lee Reyes, Sensei Rudy Ochoa at Sensei Ric Maanao ay pinamamayanihan nina Liam Percy Lagonilla ng UKS-PKTS (gold) at teammate na si Dianne Garcia ang 6-7 boys and girls division ng Novice Kata.
Wagi rin sa Novice Kata 8-9 boys and girls sina Mark Daniel Aspa ng JKS-PKTS at Rianne Merico ng PKTS- Ilocos Sur.
Sa 10-11 girls and boys Novice Kata ay pasiklab sina Keifer Marco del Rosario ng PASKA at Althea Maria Garbay ng PKTS- Ilocos Sur.
Gold medalists sa 12-13 boys and girls Novice Kata sina John Joshua Cortez ng PKTS-Ilocos Sur at Chariz Cleofar ng PKTS-GKD.
Naka-ginto naman sa 18 years old above boys Novice kata sina Christopher Uichangco ng KDA at Richelle Roch Fernandez ng MKKPI gayundin ay wagi sa girls Novice Kata 16-17 si Jul Harvey Anore.
Naghari at nagreyna sa kani-kanilang age category sa Intermediate Kata boys and girls sina Liam Jacob Angeles (KDA), Anyag Dionela ng KDA, Kaila Vince Saloc (KDA), Carol Josef Castillo (PKTS-GRD), Mark Jairus Audar (JKS-PKTS), Aisha Zaira Dimagiba (JKS-PKTS), Clark Kerf Lagonilla (JKS-PKTS), Elena Gabriella Badilla (JKS-PKTS) Justine Lawrence Oliveros (JKS-PKTS), Wyrna Grace Curayog (SSKI-JKS) Sebastian Inigo (LSGH) at Alyana Araja (JKS-PKTS)
Domindo sa Advance Kata boys-girls division nina Oledo Emmanuel Isaac Galo ng KDA, Jobin Marpi Libayon ng KDA, John Adonis Colonia (MKKPI) , Aljon Hazzel (JKS-PKTS) Rhainhart Placido (ASK), Alexa Rae Valesteros ng MKKPI, Althea Lamorte (MKKPI), Alecksa May Pangia (MKKPI), Fatima Aisha Hamsan (MKKPI) at Donna Theresse Colonia (MKKPI)
“Nakaka-galak na maraming lumutang na mahuhusay na local talents sa karatekas sa E-Competitions. Patunay ito na hindi hadlang ang pandemya para sa tuparin ang layunin ng aming sining ng karate sa pagpapalawig ng aming programa at tuloy ang pagtuklas ng talento sa grassroot level,” wika ni Shihan Lee.