Advertisers

Advertisers

Nalubog sa baha pero hindi sa Covid-19 ang Marikina City!

0 233

Advertisers

NITONG nagdaang taon sa pananalasa ng bagyong ULYSSES at bagyong ONDOY noong taong 2009 ay nilubog ng baha ang halos buong lugar ng MARIKINA CITY pero naging matatag ang mga MARIKEÑO na unti-unti ring napasigla ang kanilang industriya sa paggawa ng matitibay na sapatos at ngayong panahon ng pandemya ay halos.iilan lamang ang nahawaan ng COVID-19 kumpara sa mga kalapit-bayan o siyudad na napakaraming bilang ng mga nahawaan ng nasabing virus.

Iyan ay dahil sa masistemang liderato ni MARIKINA CITY MAYOR MARCELINO “MARCY” TEODORO at ng kanilang CITY HEALTH DEPARTMENT sa pag-iingat sa kalusugan ng kanilang mga constituent; kung saan, habang ang NATIONAL GOVERNMENT ay halos hindi magkandaugaga sa kung papaano makakuha ng COVID VACCINES ay nakakapagtransaksiyon na ang tanggapan ni MAYOR MARCY sa manufacturer ng isang COVID VACCINE (pero hinde sa SINOVAC) na inaasahang mapapahintulutan din sila ng NATIONAL GOVERNMENT para sa kanilang direktang pakikipagtransaksiyon sa mga manufacturer.

Ang COVID VACCINES na bibilhin ng naturang lungsod ay laan sa kanilang mga constituent at frontliners na libre ang pagpapabakuna.



May pandemya man ay buhay na buhay pa rin ang industriya ng MARIKINA CITY na kinikilalang SHOE CAPITAL ng ating bansa.., at nitong administrasyon ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ay isa sa mga SHOE MAKER ng naturang lungsod ang hinangaan mismo ni PRES. DUTERTE dahil hinde naman siya sinukatan ng paa kundi kinalkula lamang ni TATAY ROLANDO “OLY” SANTOS ang sukat ng paa ay sakto ang nagawa nitong sapatos sa paa ni PRES. DUTERTE.

Sabi nga ni TATAY OLY e kinalkula lang daw niya sa pamamagitan ng kaniyang hinlalaki ang sukat ng paa ni PRES. DUTERTE, na aniya ang mga suot na sapatos ng presidente ay nasa size 10 kaya ang ginawa naman niya ay size 9 at hayun sakto sa paa na tuwang-tuwa si PRES. DUTERTE na inimbitahan si TATAY OLY sa bahay ni DUTERTE sa DAVAO.

Isa lamang si TATAY OLY sa mga kinikilalang mahuhusay na MARIKEÑONG SHOE MAKERS at EXPORTERS dahil nariyan din ang GIBSON’S SHOES.., ang tatak ANTONIO MANILA at ang C POINT SHOE FACTORY na pinangangasiwaan ni GENERAL MANAGER NOEL EVANGELISTA. Sa BAG MANUFACTURERS ay nariyan ang kinikilalang MARIKINA HUB na gumagawa ng mga de-kalidad na mga leather bags para sa mga pambabae.

Kaya naman, ang MARIKINA CITY GOVERNMENT katuwang ang TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA) ay magtatayo ng paaralan para sa kursong SHOE MAKING.., kaya naman, mga ka-ARYA, sa sinumang gustong matuto sa paggawa ng QUALITY SHOES e mag-inquire na po kayo sa MARIKINA CITY HALL para malaman po ninyo ang mga detalye hinggil sa naturang kurso.

INFORMAL SETTLERS SA PAMPANGA
BINIGYAN NG MGA LOTE!



INFORMAL SETTLERS (IS) na umuokupa sa mga pribadong lupain ay napagkalooban ng kani-kanilang CERTIFICATE OF OCCUPANCY para sa lilipatan at magiging pag-aari na nilang lote ang idinaos sa simpleng programa nitong nakaraang Biyernes sa MABALACAT, PAMPANGA.

Sa simpleng seremonya na idinaos sa covered court ng BRGY. TABUN, MABALACAT ay mahigit isandaang indibiduwal ang pinagkalooban ng sertipiko bilang pagmamay-ari sa 40 metro-kuwadradong lote na mapagtatayuan ng kani-kaniyang bahay.

Sa pahayag ni FIEL SACAY na EXECUTIVE ASSISTANT ni MABALACAT MAYOR CRISOSTOMO GARBO ay aasistehan umano ng kanilang.municipal government ang mga IS para sa pagpapatayo ng kani-kanilang mga bahay at pinaglalaanan na rin umano ang pagkakaroon ng livelihood at kooperatiba ang mga benepisaryo upang ang mga ito ay magkaroon ng mga pamamaraan na kanilang ikabubuhay.

Ang programang pamamahagi ng lote ay naging malaking katulungan pala ang ginawang pag-asiste ng HAUSLAND DEVELOPERS para sa pagpapaintinde sa mga IS na umuokupa sa mga pribadong lupa upang tanggapin ng mga ito ang loteng mapaglilipatan na magiging pag-aari na nila ang loteng ipinagkaloob sa kanila.

Inihayag naman ni HAUSLAND REPRESENTATIVE REYNARD MASONGSONG na ang kanilang naging papel ay ang pagiging mediator at maipaliwanag sa mga IS na ang inuokupahan nilang lote ay may mga nagmamay-aring legal at bilang katulungan ng gobyerno ay ang mabigyan sila ng relokasyon at cash assistance para sa kanilang pagpapanimula sa lilipatang lugar.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.