Advertisers

Advertisers

PH rowers sasabak sa Asian virtual tilt

0 226

Advertisers

APAT na national rowers ang nakatakdang sumabak sa Asian Continental Qualifier event sa Enero 24 para sa 2021 World Rowing Virtual Indoor Championship.
Ang continental qualifier ay gaganapin virtually kung saan ang kalahok ay gamit ang rowing machines konektado sa loptop bilang health restrictions dala ng pandemic na patuloy sa paglumpo ng ibang aktuwal kumpitesyon.
Ang Hong Kong Rowing Association ang host sa tournament na may pahintulot ng Asian Rowing Federation.
Double gold medalist sa 2019 Southeast Asian Games Melcah Jen Caballero ang mangunguna sa small crew na binobuo ng kapwa SEAG gold winner Cris Nievarez,Roque Abala Jr. at Zuriel Sumintac.
Si Caballeo ay sasabak sa women’s lightweight 500 meters,habang si Nievarez ay lalahok sa men’s open 200 meters ,Abala Jr. at Sumintac ay nakalinya sa men’s lightweight 2000m at men’s lightweight 500m, ayon sa pagkakasunod.
Ilan sa national rowers ay bumalik sa training mula pa noong Jan. 6 indoors at outdoors sa La Mesa Dam para sa parating na tournaments.
Sinabi ni Caballero na ang tournaments ay magsilbi ring training ground para sa Asia and Oceana Continental Qualification para sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa April sa hindi pa tukoy na venue.
Huling na qualified ang PH rower sa Olympics noong 2000 Athens courtesy of Benjamin Tolentino.