Advertisers

Advertisers

Kalokohan

0 681

Advertisers

ODIONGAN, ROMBLON – MASYADO tayong nalilibang at nalilinlang ng mga pulitiko tungkol sa pandemya. May pulitiko na nagsasabi na “fake news” ang mga lumabas na balita tungkol sa mababang halaga ng Sinovac. Iminungkahi ni Bong Go na saksakan ng lethal injection ang mga nagkalat ng tinatawag niyang “fake news.” Gusto niyang ubusin ang nagkakalat ng fake news kahit na ang pamahalaan ni Rodrigo Duterte ang pasimuno sa fake news.

Nang tanungin ni Ping Lacson si Bong Go kung may mungkahi siyang brand ng gagamitin na lethal injection, hindi niya masagot ng maayos ang tanong. Sinabi niya na mas may nalalaman sa kanya si Ping Lacson pagdating sa lethal injection. Pilit ibinabalik kay Ping Lacson ang kanyang hinaing tungkol sa fake news.

Mapapansin na hindi sineseryoso si Bong Go kahit katiting. Maliit ang tingin sa kanya. Hindi seryoso ang tanong sa kanya at hindi siya sumasagot ng seryoso. Mistulang batang paslit ang trato kay Bong Go ng mga kasama sa Senado. Alam kasi ng madla na utusan lamang siya. Kung ano ang utos, siyang pukpok ni Bong Go.



Ngunit hindi iyan ang punto ng aming munting pitak ngayon araw. Nais namin bigyang diin ang desisyon ng DND na tapusin na ang kasunduan sa pagitan ng sundalo’t pulis at administrador ng UP na huwag pumasok sa kampus ng UP. Tinawag ni Kiko Pangilinan na “citadel ng freedon and democracy” ang UP.

Sabi ni Danny Arao, isang propesor ng pamamamahayag sa UP: “The original accord was signed between student leader Sonia Soto and defense minister Juan Ponce Enrile in 1982. It was updated by UP President Jose Abueva and DND Secretary Fidel Ramos in 1989. It essentially disallows military and police presence on campus.”

Gusto ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pasukin ang UP System. Hindi sila makapasok dahil sa kasunduan. Kasama ang pagpasok sa UP sa kanilang “red baiting,” o pagtawag ng komunista sa kanilang mga kalaban. Hindi na kumakagat sa ganyan ang mga mag-aaral ng UP. Hindi sila nababahala sa asta ni Lorenzana.

Nawalan na ng imagination ang DND at Lorenzana kaya sa bawat naisin nila, gusto agad-agad. Hindi nila kinokonsidera ang kapakanan ng mga mag-aaral sa panglahat na sitwasyon. Hindi nila alam na pinagtatawanan lamang sila.

***



LUBHANG nakakasawa na ang paglabas ni Duterte sa telebisyon tuwing Lunes ng gabi. Wala na siyang bagong sinasabi. Puro na lang galit ang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi na kaibig-ibig ang bawat kataga na kanyang sinasambit. Lahat na lang pinagagalitan kahit walang dahilan. Sila ang may sala at hindi siya, sa maikli.

Noong Lunes, kanyang binanggit na 70 milyones, o mahigit sa kalahati ng populasyon na 110 milyon, ang babakunahan ng libre sa taong ito. Hindi niya ipinaliwanag kung paano gagawin. Basta sinabi niya at iyon ang mangyayari sa madali. Pinagtatawanan tuloy si Duterte kasi wala naman sa matuwid ang kanyang tinuran. Napakamot ng ulo si vaccine czar Carlito Galvez Jr. kasi siya mismo hindi alam kung paano gagawin ang sinabi ni Duterte.

Nagagalit si Duterte sa mga mambabatas na nagsabi na ikonsidera ang Pfizer bilang bakuna sa pambansang bakunang bayan. Mukha tuloy medical representative ng Sinovac si Duterte kasi ipinagpipilitan niya ang Sinovac dahil sa ulat na 23 ang naapektuhan sa bakuna ng Pfizer. Gustong gawing monopolyo ng China ang Filipinas para sa kanilang bakuna. Ayaw ng mga Filipino sa bakuna ng Intsik.

Nagagalit si Duterte sa mga balita na mas mahal ang pag-angkat ng bakuna na gawa at mula sa China. Hindi niya masikmura ang mga balita na pinaglalaruan lamang ng China ang Filipinas dahil sa alam na sunod-sunuran siya sa bawat gusto ng mga Intsik. Wala siyang magawa kundi magalit lamang sapagkat alam ng marami na hanggang galit lamang si Duterte.

***

Ang dahilan kung bakit bantulot si VP Leni Robredo na tumakbo bilang presidente ng Filipinas sa 2022: Masyadong malaki ang gastos. Wala siyang bilyones upang magkaroon ng tsansa sa 2022. Hindi niya kaya na mamalimos sa mga naghaharing uri para sa bilyones. Wala siyang paraan kung paano babawiin ang bilyones na ginasta para sa kanyang kandidatura.

Sa ganang kanya, malaki ang pagkakamali ng sistema dahil tanging ang may bilyones lamang ang may tsansa. Kapag walang bilyong piso na pangkampanya, kalimutan na ang lahat sapagkat wala siyang panalo. Ganito kasama ang kasalukuyang sistema sa pulitika, aniya.

Nariyan pa naman sa gitna si Leni. Bilang gobernador ng kanyang lalawigan na Camarines Sur, maraming magagawa si Leni at diretso pa sa mga tao ang kanyang tulong. Hindi siya sigurado kapag tumakbo siya bilang pangulo sa bansa. Wala siyang ninakaw na bilyon sa kaban ng bayan. Mabuhay si VP Leni!

Hindi katapusan ng mundo kung hindi tumakbo si Leni sa 2022. Nandiyan si Frank Drilon, Kiko Pangilinan, at Sonny Trillanes at kahit sino sa kanila ay puedeng pagpilian. Mas gusto namin si Sonny Trillanes sapagkat nakahanda siyang lumaban at magsakripisyo para sa sambayanan. Kabataan at totoong mainit si Duterte sa kanya. Nagagalit si Duterte kapag naririnig ang kanyang pangalan sa tuwina.

***

MGA PANGUNAHING SALITA: “The last decent government the Philippines had was almost five years ago. Nakaka-miss!” – Sahid Sinsuat Glang, netizen

“If [Donald] Trump is impeached: He loses his yearly $200,000 in pension, $1,000,000 a year travel allowance; Secret Service detail; ad he can’tt run [for public office] again!” – Dondi Raval, netizen

“This is the man who spectacularly failed in his first Senate bid; in 2019, he withdrew his candidacy even before the national campaign period started, ostensibly after undergoing a heart procedure. Now, like the proverbial fly resting on top of the carabao, he thinks he is taller, mightier, than other creatures. Or, at least, other ‘critical’ creatures.” – John Nery, columnist, kay Harry roque

“Kahit sabihin natin ayaw natin sa Sinovac, babayaran pa rin ng buwis natin yan. Ipipilit ng mga kurap yan. Dapat alisin ang pondo kung ipipilit pa rin ang Sinovac.” – Wilfred Wong, netizen

***

Lubos na nagpapasalamat na naging bahagi tayo sa isang gabi ng kainan, kantahan at inuman bilang pagdiriwang ng kaarawan ni Boyet Forlales na dinaluhan ng kapwa malalapit na kaibigan, VG Felix Ylagan, VM Diven Dimaala at SP Bing Solis. Maligayang pagtanda pare ko!

Email:bootsfra@yahoo.com