Advertisers

Advertisers

ONE -ON-ONE KAY POOL ICON ‘MARVELOUS ‘ MANALO PARA SA 2021

0 212

Advertisers

ISA ang larong billiards sa nakapagbigay na ng di-birong karangalan sa bansa. Ito ay mina ng ginto ng Pilipinas sa international na tunggalian.
Ang larangan ay isang non-contact sport na marapat lang na mapahintulutan na ng kinauukulan na sumargo na uli ang naturang ‘game of precision’.
Pinagpipipitagan at iniidolong pool icon sa bansa (at sa mundo) si Marlon ‘Marvelous’ Manalo – kampeong Kapitan ng Bgy.Malamig at naging ABC President sa Lungsod Mandaluyong.
Nakadaupang muli ng korner na ito si ‘Champ Manalo nang magpaunlak siya ng panayam na one- on-one kahit napaka-hectic ng iskedyul niya sa paglilingkod sa kanyang konstituwente.
Bago ang takdang interview ko kay Kap ay dumating ako sa kanyang paboritong hang-up in between break ng serbisyo nito sa pinamumunuang progresibong Bgy. Malamig.
Rumerepeke ang tunog ng mga nasasargong billiard ball habang inaantay ako sa kanyang magara at malamig na practice room na papangaraping magkaroon ng ganoon ng lahat ng bilyarista.
Oh Kuya’( tawag niya sa akin), nauna na ko sa iyo at ready na sa interview “bating- fistbump ng nakaguwantes na si Champ matapos isalansan ang 9-balls sa velvet table.” “State of the art talaga ang practice room mo kaya pala walang mintis ang ensayo,” bungad-papuri ko sa hinahangaan kong kampeon di lang sa sports kundi pati sa pagiging premyado niya bilang public servant.
Inabot niya sa akin ang magarang tako na di mo mabibili sa Raon o saan mang sports shop sa Kamaynilaan. Hawak ko pa lang ay feeling champ din ako.
Sinenyasan niya akong sumargo sabay sabing.. game na! Sa isip ko ay baka kaya niya ako pinasargo ay una’t huling tumbok ko iyon. Posible naman kay Champ Marlon.
Inayos ko ang aking face mask at sumipat pero tinanong ko na siya para sa unang salvo ng panayam.
“Champ, 2021 na malapit na rin dumating ang vaccine (pangontra sa covid-19), dapat lang ba na pahintulutan na ng IATF ang larong billiards na sumargo na rin tulad ng pagluluwag sa ibang sports?” malakas na sargo ang aking pinawalan. Kalat ang siyam na bola pero walang nasulingang butas.
“Dapat lang kuya na bumalik na sa aksiyon ang billiards at snooker lalo na hindi naman ito contact sport at ‘matic na ang health protocol na ipinatutupad nila , sagot ni Champ habang tinitisaan ang dulo ng kanyang mamahaling tako na mukhang uubusin ang bolang kalat (maliban sa dalawa) sa kanyang sipat.
Dikit ang dilaw na UNO at asul na DOS, one-ball sa pocket kaya magkasunod ang pasok at ganda ng preparasyon naman sa pulang TRES. Balewala at di istorbo sa asinta ang kanyang face mask.
Tiyak na kinakalawang na ang ating mga magagaling na bilyarista at kailangan na ng totohanang laban sa mesa. Kahit na may mga sariling praktisan sa panahon ng lockdown ay iba pa rin iyong makalaban ang mga tirador at pool sharks para manatili ang level ng kumpetisyon at handang lumaban sa mga nakahanay na bakbakan sa new normal ng larangan ng palakasan,” sambit ni idol Kap habang sinusuri ang latag ng bola kung saan ay may problema (sa tingin ko) dahil nakadikit sa banda ang dilaw na istrayp NUEVE halos kiss ball sa ubeng CUATRO na higit isang piye sa corner pocket na tsansa kong makatira pag nagkataon.
Pininahan ng sobrang nipis ang red ball pasok sa side pocket at bumanda ang pamato pektos patungo sa striped yellow 9 upang pingkiin ito at mawala sa dikit habang lumugar naman ang motherball sa purple ball para sa easy pocket. “Marami na tayong mga batang bilyarista na magagaling at potensyal na bibigay ng karangalan sa bansa. Kailangan lang silang tuklasin sa maayos na programa ng mga lider ng ating NSA sa billiards at nariyan naman ang kalinga ng pamahalaan sa mga natatanging atleta ng bayan,” diin niya sa sunod kong tanong sabay sipat ang kahel na CINCO dahil nakaharang sa pocket ang itim na OTSO kahilera ang tsokolateng SIYETE at nasa bukana ng side pocket ang berdeng SAIS.
Tinumbok ni Champ ang orange ball diretso sa banda doblete patungong winning ball-9 pasok sa right corner pocket. Tapos ang boksing este bilyar habang ako ay mangha pa rin sa mahirap na tumbok na iyon na peanut lang kay Champ Marlon.
Kailangan mamayagpag muli tayo sa billiards scene sa mundo. Iyong kinatatakutan tayo ng mga pui at singkit pagdating sa pool table.We must regain our glo days in billiards in the international competitions,” ani pa Manalo sabay ang elbow to elbow gesture matapos ang ‘Champ show.
Sa aking sapantaha sa kanyang tinuran ay kailagan ng tunay na pagbabago sa sistema at lidrato ng NSA sa biliards at snooker. Mga lider na may dedikasyon para sa bansa. Walang pamumulitika, bata-bata system at may respeto sa kanilang mga atleta lalo na iyong mga nag-alay na ng karangalang dapat ay bayani at hindi iyong itsapuwera at sabing laos ang mga kampeon. Wish niyang sana’y matapos na rin ang krisis pandemya ngayong 2021.
Sa mga sumunod ko pang tanong ay nailahad niya ang kanyang achievements sa mundo ng billiards at snooker. Kampeon lang naman siya sa 2000 Asian Snooker, 2003 Corporate Billiads League, 2005 Reno Open, Texas Hold Em at New Jersey 9- ball,2006 North Am Open 9-ball, 2007 Seminole, Florida Pro Tour Stop at wagi noong 2008 Philippine National Championship. Runner up siya noong 2001 World Games, 2002 IBC Tokyo 9-ball , 2004 World 8- ball at 2004 Asian Games at 2005 World Pool Championship.
Katulad din ako ng isang ideyal na sundalo kapag tinawagan upang magserbisyo sa bayan ay handa ako anumang oras para sa Pilipinas,” tugon niya sa pampinale kong katanungan.(Danny Simon)