Advertisers

Advertisers

Hawaan mas malakas sa Metro Manila

0 266

Advertisers

UNTI UNTI nang nararamdaman ang muling pagtaas ng bilang ng mga nadadale ng virus na nakamamatay -ang COVID-19.

Isa ngang eksperto mula sa OCTA Research Team ang nagsabi na matapos ang ilang buwan nating pagiingat kabilang na ang mga lovkdown, quarantine atbp., ang reproductive rate na naibaba na natin sa 1.10 hanggang 1.17 ay unti unti nang tumataas sa kasalukuyang 1.17 hanggang 1.50. At ito raw rate ng hawaan na ito ay maoobserbahan sa kalakhang Maynila o National Capital Region na tintawag din nating Metro Manila.

Ang dahilan nga raw dito ay ang mga nagdaang mga holiday na di natin mapigilan ang pagti-tipon-tipon ng maraming tao. Ang kahulihan nga ay ang pista ng Poong Nazareno ng Quiapo. Isama na natin ang kasunod na kapistahan naman ng Sto. Niño.



Naitala nga na ang mga siyudad ng Quezon City, Manila, Pasig, Paranaque at Marikina ang mga lugar na may mataas na hawaan ng kaso ng COVID-19. Kaya balik sa dating gawi, ika nga, ang ating mga testing centers upang masubaybayan ang muling pagsipa ng kaso ng COVID-19.

Komunidad ang pamamahayan o maaapektuhan ng virus sa sitwasyong iniwan ng pagsama-sama natin sa mga nagdaang mga holiday at kapistahan. At phadong magiging abala na naman ang mga tauhan at opisyal ng mga lokal na pamahalaan upang labanan ang muling pagtaas ng hawaan ng virus na nakamamatay.

Wala naman kasi tayong takot, kahit na nabalitaan na nating napakarami na ng namatay. Nang bigyang laya tayo ng ating pamahalaan na magkaroon na kaunting galaw, o makalabas na ng ating mga tahanan upang makapagtrabaho at makabawi naman ang nalumpong ekonomiya, ay nagwalang bahala na rin ang iba sa mga dapat na gawing pagiingat.

Ang iba pa sa atin, ay itinuturing na kalokohan lamang daw ang idineklarang pandemiya. Kalokohan, kahit nakikita at nalalaman na nating buong mundo ay apektado na.

Maraming piyesa na akong naibahagi sa inyo sa pitak na ito tungkol sa COVID-19, at di lamang ako, na tagapag-hatid lamang ng balita at mga puna, kundi mga eksperto na mismo ang mga nagbaba-babala – magingat tayo sa COVID-19.



Kung sa bakuna ngang panglaban sa virus na ito, ay alanganin din ang karamihan sa atin, sana naman ay huwag na nating ika-walang bahala ang mga tamang pagiingat upang di tayo magkahawaan.

Iwasan natin na bumalik pa sa pinaka-mahigpit na pamamaraan na ginagawa ng mga pamahalaan – ang ikulong tayong muli sa ating mga tirahan. Di ba mas maganda na ang may kaunting paggalaw? Nakakalabas na tayo, pero sana naman, huwag nating kalimutan ang social distancing. Lalo na papalapit na naman ang kapanahunan ng mga fiesta, sagala, at pinetensiya.