Advertisers

Advertisers

HIGH FIVE SA MATAGUMPAY NA PBA SEASON 45…

0 210

Advertisers

HIGIT sa isang buwan na ang nakaraan sa bubble event, mataas pa rin ang emosyon sa opisyal na pagtiklop ng Philippine Basketball Association Season 45 sa idinaos na special awards ceremony nitong nakaraang weekend.
Ginawaran ng espesyal na rekognisyon ang mga natatanging individual na manlalaro pero ang pinakamalaking saludo ay para sa lahat nang nagkaisa’t nagtulong na nairaos ang naiibang kaganapan sa gitna ng pandemya upang makapag-alay ng tuwa, pag-asa at inspirasyon sa bansa na nagresulta ng isang tunay na ‘mission accomplished’. Pinuri at pinasalamatan nina PBA chairman Ricky Vargas at commissioner Willie Marcial ang mga magigiting na lalaki’t babae sa kanilang sanib-puwesang pagsisikap na maging matagumpay ang makasaysayang Clark bubble event.
“It was the most difficult season for us in the past seasons, and the bubble was really difficult for us to get into. The real heroes are those inside the bubble. They were our army who delivered the product to everyone,” wika ni Vargas “If you would ask us to do it again , it would probably be easier, but the real heroes are the commissioner’s team and the players themselves who made this bubble happen,” dagdag pa niya.
Ang 2020 PBA wars ay isang grandeng selebrasyon ng 45-anyos nang liga kahit na ito ay isan conference lang sa buog taon pero hindi kailanman malilimutan.
“Salamat sa lahat ng players, coaches, governors, team owners , sa lahat ng mga naging commissioners mula 1975. Forty-five years na ang PBA at patuloy nating minamahal,” sambit naman ni Marcial,
Sa naturang emosyonal na gabi ng parangal, apat na Barangay Ginebra (bubble champion) players ang ginawaran ng individual awards sa pangunguna ni Stanley Pringle bilang Most Valuable Player of the Conference, Scottie Thomson bilang ‘Samboy Lim’ Sportsmanship award, Most Improved Player si Prince Caperal at Japeth Aguilar na kasama sa Elite Five kabilang sina Pringle.Matthew Wright at Calvin Abueva ng Phoenix at Poy Erram ng TnT.
Ginawaran ng Outstanding Rookie awardsi Aaron Black( anak ni coach Norman Black) ng Meralco.(Danny Simon)