Advertisers

Advertisers

Magtiwala raw sa gobierno

0 439

Advertisers

UMAAPELA sa publiko sina Health Secretary Francisco Duque at vaccine zcar Carlito Galvez na magtiwala naman sa gobyerno kaugnay ng pag-angkat ng Covid-19 vaccines.

“Ang sa akin lang po, pagkatiwalaan naman po natin ang mga opisyal ng ating gobyerno dahil talaga naman pong ipinaglalaban ang interes ng mamamayan,” pakiusap ni Duque sa publiko.

Si Duque ay isinasangkot sa mga isyu ng katiwalian sa Department of Health (DoH) at PhilHealth pero inabsuelto siya ni Pangulong Rody Duterte.



Paliwanag naman ni Sec. Galvez, hindi nila puwedeng ianunsyo o isapubliko ang halaga ng Sinovac vaccine ng China dahil “confidential” raw ito. Pero nagawa nilang isapubliko ang halaga ng AstraZeneca na gawa ng UK.

Ayon sa mga naglalabasang ulat, ang kuha ng Pilipinas sa Sinovac ay P3,629.50, pero ang kuha ng Indonesia ay nasa P600 plus lang per dose.

Ang AstraZeneca naman ay P610 lang per dose.

After ng mga banat nina Senador Ping Lacson at iba pang opposition senators, muling inanunsyo ni Sec. Galvez na mas mababa ang kuha nila sa Sinovac. Hindi lang masabi ni Galvez kung gaano kababa, kung mas mababa ba ito sa kuha ng Indonesia na P600 plus or what???

Ang choice naman ng local government units (LGUS) ay Pfizer ng US/Germany at AstraZeneca. Ang Pfizer, ayon sa kumakalat na pricelist, ay tig-P2,379 per dose.



Ngunit biglang nagkaroon ng kontrobersiya ang Pfizer vaccine nang may lumabas na ulat mula Brazil na mayroong 23 seniors, edad 80-anyos pataas, na nasawi matapos turukan ng Pfizer.

Pero nilinaw naman ng Norway govt. na ang mga namatay na seniors sa kanilang homecares ay may malalalang sakit, wala raw patunay na ang bakunang Pfizer ang sanhi ng kanilang pagpanaw. Dahil bago pa magkaroon ng vaccination dito ay may namamatay nang matatanda na hindi bababa sa 400 kada linggo.

Ang isyung ito ay ginamit naman ni Pangulong Duterte sa pagresbak sa mga kritiko ng Sinovac: “Gusto ninyong Pfizer, kayong mga Senador, in Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Gusto ninyo? Mag-order kami para sa inyo.”

Gayunman, mas matindi ang resbak kay Pangulong Duterte ng netizens. Para maniwala raw sila na hindi takot sa bakuna ng Sinovac si Duterte dapat ay una itong magpaturok sa harap ng publiko.

Noong una, ilang ulit inanunsyo ng tagapagsalita ni Duterte na si Atty. Harry Roque na mauunang magpapa-turok ng bakuna in public ang Pangulo para raw magkaroon ng kumpiyansa sa bakuna ang mamamayan. Pero nitong huli ay sinabi ni Roque na hindi na isasapubliko ang pagpapabakuna ni Duterte. Ngek!

Sabi naman ni Sec. Galvez, dahil may edad na si Duterte ay ang duktor na nito ang magdedesisyon kung anong Covid vaccine ang tamang iturok sa Pangulo. Tama naman!

Anyway, para magtiwala tayo sa gobyerno, dapat ay hindi nito ginagawang katatawanan ang mga pagpapaha-yag ng maseselang isyu, at higit sa lahat ay dapat transparent sa publiko.

Tulad lamang nitong presyo ng Sinovac, lahat ng bansa na nag-angkat nito ay isinapubliko kung magkano per dose ang kuha nila, Philippine govt. lamang ang ayaw ipaalam sa madlang Pinoy kung magkano ang kuha nila, eh taxpayers money ang ipinang-angkat nito. Ewan!

Bantayan!