Advertisers
HINIHINTAY ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang pahintulot mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 para muling ipagpatuloy ang nalalabing laro ng Lakan Cup.
Umaasa si MPBL commissioner Kenneth Duremdes na maisagawa ang Lakan Cup semifinals sa Pebrero sa Subic.
“Nag-follow up kami ng request, diretso na kay (Health Sec. Francisco) Duque. Hopefully ma-approve na and ang target namin 3rd or 4th week ng February, sa SBMA (Freeport Zone),” wika ni Duremdes.
Davao Occidental Tigers, Basilan Steel, Makati Super Crunch at defending champion San Juan Knights ang mga natitirang teams sa Lakan Cup ang lumalaban sa South Division at North Division.
Sinabi ni Duremdes ang Subic ay kumpleto sa facilities na kailangan ng liga para magsagawa ng bubble, na pabor sa personnel at sa teams.
“May mga hospitals na sa loob, may mga gym facility na sila, may hotels. Isa rin sila sa pinakastrict na freeport zone na nag e-enforce ng health protocols,” aniya.
“So safe ang mga personnel natin at players kapag doon ganapin ang bubble.”
Napilitan ang MPBL na itigil ang Lakan Cup games noong Marso nakaraang taon dahil sa pandemic.
Ang Basilan at Davao ay tabla sa 1-all sa South Division finals, pareho ang score Makati at San Juan series sa North, kung sino ang mananalo sa kanya-kanyang semis series ang maglalaban sa National Finals.