Advertisers
GRABE na ang taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Dumaraing na ang mga minimum wage earner.
Paano pa nga raw yung mga kababayan nating below minimum ang kinikita sa araw-araw?
Worst,paano yaong mga nawalan ng trabaho o nalugi ang mga negosyo dahil sa pandemya?
Magtiis na lang ba ng gutom?
Sabi nga ng isang newspaper columnist na Duterte critic, parang walang gobyernong umiiral!
Inutil sa dilang inutil ang DTI at ang Department of Agriculture (DA) sa problema ng mga ordinaryong mamamayan.
Tuyo na lamang at noodles na lamang kayang bilhin ni Juan dela Cruz.
Paminsan minsan naman ay itlig na lang.
Ang dating “three square meals everyday” ay down to two meals na lamang.
Masakit tanggapin ng isang ama at ina ng tahanan na nagugutuman na ang kanilang mga anak dahil sa pagdarahop at kahirapan.
Tila may malaking problema ang bansa bukod sa punyetang salot na Covid-19.
Gutom ang pangalawang pinakamalaking xoncern ng bansa ngayon.
Umabot na kahit ang presyo ng baboy sa mga merkado sa tumataginting na P450.
Walang indikasyon na kayang ibaba ang presyo nito ng pamahalaan.
Paano pa ang mga bayarin gaya ng sa Meralco na nag-umpisa nang mamutol ng kanilang serbisyo?
Dagdag sakit ng ito sa administrasyong Duterte na subsob ang atensiyon sa isyu ng pagbabakuna sa 90 milyong mga Pilipino.
Ngayon ay di matapos-tapos ang debate sa ano nga bang kumpanya ng vaccine aangkatin ang gamit ng pangbakuna.
Pati ang Senado ay nakikigulo na rin at bumabato ng kung anu-anong akusaayon.
Baka di nila napapansin na bukod sa Covid ay puwedeng ikamatay ng ating mga Pilipino ang gutom at malnitrisyon dulot ng kahirapan at kabiguan ng mga tao na makabili ng masusustansiyang pagkain dahil sa kamahalan ng presyo.
Nakakatakot ang iba pang n
malalalang problema na titak na kakaharapin ng mga mamamayan sa pagpasok ng bansa ikalawang taon ng pandemya.
Hindi oa nga tayo nakakahakvang tungo sa pagbangon at eto pa ang mga karagdagang papasanin.
Di na kakayanin pa ng gobyerno na magkaloob ng dagdag ayuda dahil bangkarote na talaga ang kabang yaman ng Pilipinas.
Mas lalong imposibleng mag bigay ng subsidiya ang mga LGUs dahil sila rin ay laspag na ang pagkukunan ng pondo.
Galing din kasi sa janilang mga taxpayers ang malaking bulto ng kanilang pondo.
Bagsak ang ekonomiya at maraming negosyo ang nagsara at marami pa ang naghihingalo.
Duon sa mga pilit na nakikipaglaban para magsurvive ay kailangan magbawas ng work force para makatipid at di malugi.
Suma tutal,malaking delubyo ang kakaharaping bating lahat kahit pa nga tuluyan ng mawala ang pandemya.
Nakakapanglumo pero ito ang nagdudumilat na katotohanan.
Ngayon pa lamang ay dapat ba tayong magsipaghanda at magpakatatag.
Paghandaan ang nagbabantang taggutom sa hinaharap dulot ng dumaan at umiiral na pandemya.
Katatagan, ibayong pagsusumikap at pananalig sa Diyos ang tangi nating masasandalan sa mga ganitong kaganapan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com