Advertisers

Advertisers

SEASON 45 PBA AWARDS, MAY INGAY

0 432

Advertisers

NAIRAOS na ang PBA Awards Night over the weekend para sa finale ng Season 45 upang tuldukan ang nagdaang PBA Bubbles, special 1-Conference lang base sa protocols ng INTER-AGENCY TASK FORCE on EMERGING DISEASES (IATF-EID) dulot ng pandemic.

Kung ano ang ingay ng pangalan ni TNT superstar BOBBYRAY PARKS, JR. sa Best Player of the Conference category, siya rin namang ingay ng complaint at puna sa hindi nito pagkakabilang sa winners. Maraming umasa at tumingin sa stats ni PARKS dahil nasa topsya. May nagsasabing ‘napulitika’ ang starplayer dahil di man langnakasalo ng isang slot.

Lima (5) silang leading sa BPC race at eyed top siyadahil sa stats, kasunod sina STANLEY PRINGLE (GINS), CALVIN ABUEVA(PHOENIX FUEL MASTERS), RR POGOY (GIGA TROPANG TEXTERS), MATTHEWWRIGHT (PHOENIX), at CJ PEREZ (TERRA FIRMA).



Sa winners list, bumandera si PRINGLE as BPC, (na self-explanatory ang nasungkit dahil pinangunahan ang giya sa kampeonato ng GINS) 1,640 votes over WRIGHT (1,578), POGOY (958), PARKS (876), ABUEVA (779) and CJ PEREZ (668). Sa ELITE 5: PRINGLE, JAPETH AGUILAR, WRIGHT, ABUEVA, at POY ERAM (TNT). Si PRINCE CAPERAL (GINS) ang Most Improved Player, SCOTTIE THOMPSON (GINS) sa SAMBOY LIM Sportsmanship Award at si AARON BLACK (MERALCO) ang OutstandingRookie. Umingay ang isyung “NAPULITIKA” ang mahusay na junior ni BOBBY PARKS (7 times PBA/SHELL BEST IMPORT.) May mga hirit na fit as Outstanding Rookie siya at seldom lang daw ipasok si BLACK, pero walaito kahit sa ELITE 5.

For your information (FYI) lang po, 40% ang votes fromstats, 30% ang galing sa collective votes from players, media at PBA(Commissioner’s Office). Nasa kanila na po kung ano ang basis ngkanilang individual na pagpili. Whatever, Congrats po sa winners at nominees. “Better luck next time sa non-winners and non-nominees.

Congrats din po sa solo pro league officials led by Commissioner WILLYMARCIAL for making the PBA Bubble possible amid pandemic. Abangan po natin ang PBA Season 46 na tentatively scheduled this coming April. SO THERE!

2021 PBA DRAFT, AAPAW

SA Marso 14 na ang PBA Draft, virtual o online ito considering the pandemic. Posibleng aapaw ang bunton ng draft hopefuls minus requirement na dapat munang dumaan sa PBA DLEAGUE ang draftees.



Cancelled ang amateur league sa COVID-19 outbreak. Dagsa kaya ang proleague aspirants from universities bukod sa ASIAN BASKETBALL LEAGUE (ABL), MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) at GILAS PILIPINAS? Ilan sa inaabangan sina ANDRE PARAS, ALVIN PASAOL, RICHIE RIVERO, JOSH MUNZON, NICK DEMUSIS at KOBE PARAS. Wish ng marami, babaan ang age ng draftees from at least 22, for more chances. Who’s your bet?

JANUARY CHEERS

HAPPY BIRTHDAY to MARIA KAREN ROSS of Quezon City, ROSEMAYLIE ‘MAI MAI’ LOGDAT of Mandaluyong City, MAM CELIA C. LOPEZ of AUMain and NINA MARIE S. MAGTUBO of Arellano University PLARIDEL. Best blessings be with you all. HAPPY READING!