Advertisers

Advertisers

‘Bata’ ng DDEU, 1 pa huli sa shabu

0 252

Advertisers

DINAKIP ang dalawang babae, kabilang ang isang ‘katulong’ ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) nang makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City at Navotas City.
Kinilala ni DDEU Chief, Major Ramon Aquiatan Jr., ang dinakip na si Jeremiah Dimia, 33, ng 122 Guido 2 St., Maypajo, Brgy. 33, Caloocan City.
Sa ulat, 6:30 ng umaga nitong Miyerkules nang mahulihan si Dimia ng plastic sachet na naglalaman ng shabu sa loob mismo ng DDEU office sa Langaray St., Kaunlaran Village, Brgy. 14.
Sa Navotas naman, 12:30 ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 ang isang Edna Serrador, 54, ng Old Fishport sa kahabaan ng Baron St., Brgy. NBBN.
Narekober kay Serrador ang nasa 7.4 gramo ng shabu na nasa P50,320.00 ang halaga. (Beth Samson)