Advertisers

Advertisers

P3.4m shabu nasabat sa parking lot ng mall

0 419

Advertisers

TINATAYANG nasa P3.4 milyong piso ang halaga ng shabu ang nakuha sa dalawang naarestong tulak sa buy bust operation sa parking lot ng isang mall sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga naaresto na sina Aliakbar Pangandamun at Halil Hamal, kapwa nasa wastong edad.
Sa ulat, 1:30 ng hapon nitong Miyerkules nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A-Cavite sa parking lot ng isang kilalang mall na nagresulta sa pagkakaareso sa mga target.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 500 gramo ng shabu na may street value na P3.4 milyon. (Irine Gascon)