Advertisers

Advertisers

4 bahay natabunan sa landslide sa Rizal

0 288

Advertisers

NATABUNAN ng lupa ang apat na bahay sa Rodriguez, Rizal nang magka-landslide sa bahagi ng bundok sa Barangay San Rafael.
Bukod sa mga bahay, natumba rin ang ilang puno kaya humambalang sa kalsada ang debris ng mga ito.
Wasak ang higit sa tatlong bahay na ang iba ay gawa sa light materials.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung may nasaktan o nasawi sa insidente.