Advertisers
TODAS ang apat na kidnaper sa engkuwentro sa Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong Biyernes ng madaling-araw.
Nailigtas naman ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group at Quezon City Police District-Special Operations Unit ang kidnap victm na Chinese national.
Sa ulat, nakatanggap ang mga pulis ng impormasyon mula sa isang Chinese national na may kasamahan itong dinukot ng apat na lalaking Pinoy.
Natunton ng mga awtoridad 3:40 ng madaling-araw ang hideout ng mga kidnapper sa Barangay Holy Spirit.
Nauwi sa palitan ng putok ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng lahat ng hinihinalang kidnappers.
Wala pang pagkakakilanlan ang mga napatay habang patuloy ang pagsusuri ng SOCO sa crime scene.
Nakita ng pulisya sa lugar ang ilang baril, hand grenade at umano’y shabu. (Boy Celario/Mark Obleada)