Advertisers

Advertisers

Angel dumepensa kay Vice Ganda vs Spox Roque; Ate Vi inakusahang bayaran at boba ng dating broadcaster

0 286

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO
NAIRITA si Angel Locsin sa naging pasaring ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang sinabi niya na hindi dapat paniwalaan ang mga komedyante pagdating sa usapin ng bakuna dahil hindi sila eksperto rito.
Matatandaan kasing nag-post noon si Vice Ganda sa Instagram kung saan sinabi niya na karapatan ng bawat Pinoy na mamili ng bakunang isasaksak sa kanila dahil nakasalalay dito ang kanilang buhay at kaligtasan.
“Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!,” post noon ng komedyante.
Sa kanyang pahayag, ipinagtanggol naman ni Roque ang paninindigan ng gobyerno pagdating sa pag-angkat ng bakuna.
Hirit niya, may proseso raw sinusunod ito at nakasalalay ang lahat sa commitment ng mga bansang magbigay ng bakuna at pati na sa priority pagdating sa babakunahan kaya may panuntunan ang lahat.
Bilang pagtatanggol naman kay Vice, nag-post si Angel ng “Ayos yung baklang komedyante, noh? Pinaglalaban ang tama at may malasakit sa tao.”
***
SINOPLA ng dating broadcaster na si Jay Sonza ang Star for all Seasons at Lipa Representative na si Vilma Santos kaugnay ng paghahain nito ng panukalang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN na hindi nakalusot sa Kongreso noong nakaraang taon.
Sey ni Sonza, walang saysay raw ang paghahain ni Santos na muling buhayin ang isyu ng napasong prankisa ng nasabing network.
Nakiusap pa siya sa aktres na huwag nang dumagdag pa sa mga mambabatas na walang nalalaman sa paggawa ng batas sa Mababang Kapulungan.
“Cong. Vilma Santos, what renewal are you talking about? There is nothing to renew because the network has no live or existing franchise to begin with. Ang dami nang bobo sa Kongreso, huwag mo ng idagdag ang sarili mo sa bilang nila,” ani Sonza.
Sinopla rin ni Sonza si Santos hinggil sa tunay na motibo nito sa paghahain ng kontrobersyal na panukala.
“Tapatin mo ang bayan, Ate Vi, huwag na tayong magbolahan pa, magkano ba talaga ang dahilan?” pahayag ni Sonza sa kanyang Facebook account.
May mga nagtanggol naman sa beteranang aktres at sinabing hindi na raw dapat pinagpapatulan si Sonza dahil hindi na relevant ito.
Mema lang daw ito, laos at kulang sa pansin ito lalo pa’t wala nang programang kumukuha sa kanya bilang broadcaster.