Advertisers

Advertisers

Arra San Agustin biktima ng stalker

0 292

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES
TAMANG-tama ang role ni Thea Tolentino bilang Chef Ginger sa GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost Recipe dahil plano pala niyang mag-venture into food business this year.
Ito ang isa sa mga ibinahagi ni Thea sa ginanap na media conference ng series.

“Mayroong nakapag-inspire sa akin na mag-venture to business, food business po siya. Magandang opportunity ‘yung ibinigay niya sa akin kasi sinasabi niya ituturo niya sa akin talaga bago niya ipa-handle sa akin ang isang franchise ng business,” pahayag ng aktres.
“Hindi pa one hundred percent sure pero dahil po sa kanya na-inspire ako na talagang pag-isipan na rin ‘yung business,” dagdag pa ni Thea.
Samantala, inaabangan na ng kanyang fans si Thea bilang Chef Ginger Romano sa The Lost Recipe na napapanood na gabi-gabi, 8 p.m., sa GMA News TV.
***
BIKTIMA ng isang stalker ang karakter na bibigyang-buhay ni Arra San Agustin sa upcoming episode ng Tadhana ngayong Sabado (January 23) kasama sina Jeric Gonzales at Martin del Rosario.
Mula noong nagdalaga si Bianca (Arra) ay napansin na niyang panay away ang inatupag ng kanyang mga magulang. Dahil dito, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral at nagtrabaho bilang isang barista. Doon niya nakilala ang matalik niyang kaibigan na si Ion (Jeric) na nagkaroon ng lihim na pagtingin sa kanya.

Aamin na sana si Ion kay Bianca ngunit naunahan siya ng loyal customer ng pinagtatrabahuang coffee shop na si Luis (Martin).
Perfect na sana ang love story nila kaso may misteryosong lalake na laging kinukunan ng litrato at video si Bianca. Sino kaya ito?
‘Yan ang dapat abangan ngayong Sabado sa Tadhana, hosted by Marian Rivera, 3:15 p.m. sa GMA-7.
***
BUHAY ng visionary at dream translator na si Rudy Baldwin ang tampok sa fresh at brand new episode ng real life drama anthology ‘#MPK’ o ‘Magpakailanman.’
Si Max Collins ang gaganap bilang viral visionary na si Rudy Baldwin.
Nag-viral si Rudy noong 2020 dahil sa mga prediksiyong pino-post niya sa kanyang Facebook page.
Nagkakaroon daw kasi ng mga visions o pangitain si Rudy tungkol sa iba’t ibang sakuna na maaring mangyari sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Maging mga lotto numbers, kaya raw niyang hulaan.
Para sa kanya, isang biyaya mula sa Panginoon ang ipinagkaloob sa kanyang kakayahan.
“Siyempre, [galing ito] kay Jesus. Sa kanya lang talaga. ‘Yung kapangyarihan ng Diyos hindi mo kayang ipaliwanag, sana unawain nila na ‘yung gift kong negative ay para rin sa kanila ‘yun,” pahayag ni Rudy nang ma-feature siya sa programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho.’
Abangan sa brand new episode na pinamagatang “Babala at Pangitain: The Rudy Baldwin Story” ngayong Sabado, January 23, 8:00 pm sa Magpakailanman (‘#MPK) sa GMA.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">