Advertisers

Advertisers

Cloe Barreto bida na sa pelikulang ‘Silab’

0 1,644

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO
MASAYA ang Belladonnas member na si Cloe Barreto dahil finally, dumating na rin ang pinakahihintay niyang break sa showbiz.
Si Cloe, na ang dating screen name ay Chloe Sy, ang bida sa pelikulang Silab. Ito’y pamamahalaan ng premyadong direktor na si Joel Lamangan, mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network.

Ang pelikula ay tatampukan din nina Jason Abalos, Marco Gomez, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, at iba pa.

Ano ang pakiramdam na after nang matagal din na paghihintay, dumating na ang kanyang big break?



Saad ni Cloe, “Masaya po, kasi iyong paghihintay nang matagal, eto na po yung resulta. Nagbunga na po, eto na yung bunga.”

Gaano siya ka-daring sa pelikulang Silab?

Matipid na tugon niya, “Masasabi ko po na parang… sobrang daring talaga.”

Ang nagpalakas daw ng loob niya para magpaka-daring sa pelikulang Silab ay dahil ito na ang pinakahihintay niyang break.

“Kasi actually po, ito talaga yung parang gusto ko, like… eto na po yung parang big break ko talaga,” pakli ng aktres/dancer.

Dagdag pa ni Cloe, “Kaya parang pumasok sa isip ko na, ‘Gagawin ko ang lahat’, ibibigay ko po ang lahat para sa pelikulang ito. Kasi ito na po yung pinakahihintay ko nang matagal na matagal na, eh.”



Bakit siya nagpalit ng screen name?

Esplika ng tsinitang aktres, “Kasi po parang pina-feng shui po, so, sana po maging suwerte nga iyong name na ito.”

Si Cloe ay mapapanood din sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean de Guzman.

Ang digital premiere nito ay thru KTX streaming platform sa January 30, 9-11 pm. Mula sa direksiyon ni Direk Joel, tampok din dito sina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia, Rosanna Roces, at iba pa.

Incidentally, kasama rin sa pelikulang Silab ang iba pang talents ng 3:16 Events and Talent Management na sina Quinn Carrillo at Karl Aquino, kaya personally ay masaya kami para sa mabait na talent manager na si Ms. Len Carrillo.