Advertisers

Advertisers

THE TWO MANNYs FOR 2022

0 408

Advertisers

MAKARAANG tahasang sabihin ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tutol siya at hinding hindi niya papayagang tumakbo bilang Pangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, naiwan sa limitadong listahan ng mga posibleng tumakbo bilang presidente ng bansa ang dalawa sa malalapit na kaibigan ng pamilya Duterte na sina business tycoon and Duterte’s campaign financier Manuel “Manny” Villar Jr. at boxing icon and Senator Emmanuel “Manny Pacman” Pacquiao.

The so-called two MANNYs na kapwa kaalyado ng administrasyon at pinamimilian para iendorso ng Palasyo ng Malacanang para sa nalalapit na 2022 presidential elections.

Si Villar na may networth na $6.8 billion dollars ang siyang nakatalang pinakamayamang Pilipino sa Forbes Magazine.



Tumakbo ito noong 2010 bilang Pangulo sa ilalim ng Nacionalista Party (NP) ngunit natalo.

Ang isa pang MANNY na napipisil ng administrasyon na humalili sa liderato ni outgoing President Rody Duterte ay si Senator Manny Pacquiao na naging mambabatas din ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at kasalukuyang Pangulo ng PDP-LABAN kung saan si Pangulong Duterte ang party chairman.

Hindi rin biro ang kayamanan ni Pacquaio na nagmula sa ilang dekada nitong pagpalaot sa pro boxing.

Hindi nalalayo kay Villar ang total networth nito.

Kilala si Pacquaio sa pagiging “generous” nito sa tao partikular na sa masang Pilipino na ang majority ay nabibilang sa “poorest of the poor”.



Kapwa galing at mula sa mahirap na pamilya sina Villar at Pacquiao.

Ang “rags to riches story” ng dalawa ay hindi kaila sa publiko.

Isang negosyante at isang boksingero.

Kung ang sektor ng “elite” (A & B Class) ang tatanungin kung sino sa dalawang MANNYs ang karapat-dapat na maging ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas, ofcourse, ang isasagot ng mga ito ay ang real estate developer na si VILLAR na may lupain na yata sa bawat sulok ng Pilipinas.

Ngunit kung ang pulso naman ng mahihirap o yaong bracket na nasa D & E na pamayanan ang kokunsultahin, walang pagdududang nasa People’s Champ ang kanilang puso, suporta at boto.

Alam kasi ng masang Pilipino na bukal at totoo ang pagmamahal ng boxing legend sa kapakanan ng mahihirap nating kababayang Pilipino.

Kung sa edad ang pag-uusapan, 72-years old na si Villar na ipinanganak noong Disyembre 13,1949 samantalang si Pacquiao naman ay 39-years lamang,Disyembre 17, 1978 ang birthday nito.

Take note, parehong December-born ang dalawang MANNY!

Halos kalahati ang agwat sa edad nina Villar at Pacquiao.

Kung sakaling makiusap kay Pacman ang Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay daan ito sa nakakatandang Manny at tumakbo na lamang bise presidente ni Villar?

Pumayag kaya ang boxing champ?

Ang Manny-Manny tandem na posibleng niluluto ngayon ng administrasyong Duterte bilang standard bearer ng administrasyon sa 2022 presidential elections ay isang powerhouse team in terms of logistics at bulto ng mga botante.

Akalain n’yong pagsamahin ang boto ng elitista at ang boto ng masa!

Ang senaryong ito ay makakapangyari lamang kung papayag nga si Pacquiao na pagbigyan muna ang tokayo niyang si Villar sa 2022.

After six (6) years, by then Pacman is 45 years old at hinog na hinog na para humalili kay Villar sa presidency.

Pero sa pulitika, masyadong “fluid” ang mga kaganapan!

Napakabilis ng takbo ng mga pangyayari.

Kaliwa’t kanan ang posibleng mangyari.

Ang dating puti ay puwedeng maging itim or vice versa.

Ang dating mga kasangga at kakampi ay puwedeng maging kalaban!

Walang katiyakan at walang kasiguruhan!

Antabayanan na lamang natin ang pagtining ng tubig!

Hanggang sa muli natin pagtalakay dear readers sa isyung ito.

Have a wonderful nice day!

Keep on reading Police Files Tonight!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com