Advertisers
Very soon ay sisimulan na rin ang pelikula nilang magsasabog siya ng kariktan. Bagay siya sa genre na ito bukod kasi sa kanyang beauty, umaapaw ang kaseksihan ni Maine.
Ipinahayag ni Maine na naniniwala siyang challenging ang paghuhubad sa pelikula.
Aniya, “Actually mas challenging siya, kasi hindi naman lahat kayang gawin ang sexy or daring role.
“Kaya sobrang game ako sa ganyan, hehehe. Well, nasa tamang age na naman ako to do that and I believe there’s nothing wrong sa mga daring role.”
Sinabi rin ng newbie actress na game siyang magpasilip ng puwet sa kanyang pelikula.
Lahad ni Maine, “Yes, game akong magpakita ng butt ko sa movie. Pagdating naman sa limitations, wala akong limitations, basta wala lang frontal scene.”
Nang inusisa namin si Maine tungkol sa kanyang dream role, sinabi niyang naniniwala siyang mas bagay sa kanya ang maging kontrabida.
Esplika ng aktres, “Well, siguro sa personality ko mas madali kong mayakap yung character ng pagiging kontrabida. Because of my appearance na mukhang maldita, pero I’m not, hehehe. And mas masarap maging kontrabida, kasi hindi mabubuo yung istorya nang walang mang-aapi roon sa bida.
“Most of us, ang topic natin kapag na-hook tayo sa isang movie or teleserye ay laging tungkol sa kontrabida… naiinis tayo roon, hindi ba?
“So, parang mas magandang stepping stone ang pagiging kontrabida kung papasukin mo ang showbiz, lalo na kung madadala mo talaga yung hinihingi ng character.”
Sino ang mga artistang wish niyang makatrabaho?
Tugon niya, “Sina Jaclyn Jose, Eula Valdez, Cherie Gil, Jean Garcia, Nora Aunor, Vilma Santos, Kim Molina… feeling ko kasi ay marami akong matutunan sa kanila.
“Based sa mga napanood ko sa kanila, ang galing nilang umarte, effortless kumbaga. Sa totoo lang, iyon yung gusto kong matutunan talaga.