Robin reresbak sa promotor ng isyung nabuntis si Mocha; Pia tinangkang ipatapyas ang boobs dahil sa laki
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARIING itinanggi ni Mocha Uson na siya ay preggy kay Robin Padilla.
Kaya naman inilantad nito ang tiyan sa kanyang socmed bilang pagpapatunay na hindi siya buntis.
Nakakahiya nga raw kay Robin dahil napakabait na tao nito na kilala ang dalawa na loyal supporters ni PDuterte.
Kahit kay Mariel Rodriguez na misis ni Binoe ay nahihiya raw si Mocha sa nagkalat na tsismis at wala raw ‘yun katotohanan.
Ang kampo ni VP Leni Robredo ang sinisi ni Mocha na nagpapakalat daw ng fake news na buntis ang singer-official ng government.
Nagluluksa pa nga raw si Binoe sa pagyao ng kanyang nakakatandang kapatid kaya huwag daw na intrigahin ito, pakiusap ni Mariel sa mga nagpapakalat ng mga maling balita.
Tiyak naman na may resbak si Robin sa isyu na buntis daw si Mocha at siya ang itinuturong ama.
Kaya may aabangan na naman na bakbakan sa kampo ni Mocha at supporters ni VP Leni.
***
NOON nga raw ay insecure sa kanyang body ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach kaya nagplano na pala ito na dumaan sa breast reduction.
Perong nung lumalaki na nga ay naisip nito na baka hindi maganda ang maging epekto kung magpababawas siya ng dibdib.
For sure nga raw na malaki ang magiging sugat nito sa bandang dibdib.
Nung sumali na ito sa mga beauty pageant ay naging asset niya ang kanyang boobs.
Kaya nagpasya si Pia na huwag na lang daw ito magpabawas ng boobs.
Sa ngayon ay nasa Morocco si Pia at palilipasin pa yata ang Covid 19 variant sa UK bago pa man ito umuwi ng Pinas.
Well, well, well…’Yun na!