NAGLULUKSA na naman ang industriya ng Pelikulang Pilipino dahil sa pagpanaw ng tinaguriang James Bond of the Philippines na si Tony Ferrer.
Ang aktor ay namatay sa edad na 86 sa kanyang pagtulog sanhi ng sakit sa puso nitong nakalipas na Sabado, Enero 23, na ilang taon din nitong dinaing at ipinagamot.
Ang anak nitong si Mark Laxa ang nagbigay ng kumpirmasyon ng kanyang pagkamatay pero hindi pa alam ang b maghinayuong detalye ng burol dahil sa umiiral na protocol sa Covid-19 pandemic.
Si Tony Ferrer o Antonio Laxa sa tunay na buhay, ay sumikat noong ’60s at ’70s nang ginampanan niya ang role bilang Tony Falcon sa “Agent X-44” movie series.
Isa sa huling paglabas ni Tony sa big screen ay noong nakasama siya sa pelikula ng komedyanteng si Vhong Navarro para sa bagong version ng “Agent X44.”