Advertisers

Advertisers

Naka-2 sunod kasi… Andi pinayuhan ng ermat na si Jaclyn na maghinay-hinay sa pagbubuntis

0 242

Advertisers

Ni WALLY PERALTA
INAGHIHINAY-hinay muna si Andi Eigenmann  ng inang si Jaclyn Jose pagkatapos nitong manganak sa bunso nilang anak na lalaki ng surfer na si Philmar Alipayo. 
Say ni Jaclyn, ganun na lang daw ang gulat niya nang malaman na ilang araw lang ay lumabas agad sa hospital si Andi pagkatapos magsilang. Halos isang taon pa lang din daw ang panganay nila ni Philmar na si Lilo nang manganak ulit. 
Kaya  bilang ina rin ay pinayuhan ni Jaclyn si Andi na magdahan-dahan lang sa pagbubuntis at sana paabutin muna raw ng 3 taon ang anak bago sundan muli. 
Tatlo na rin naman ang anak ngayon ni Andi, si Ellie, ang panganay niya na ngayon ay 9 na taon na at ang ama ay si Jake Ejercito. 
Samantala, dalawa naman ang anak niya kay Philmar, si Lilo at ang bagong silang na si baby boy Koa. 
Nang matanong si Jaclyn kung kanino nagmana sa katapangan si Andi, sa kanya ba o sa ama nitong si Mark Gil?
“Siyempre sa akin nagmana. We have to be tough, lalo na sa panahong ito. I support her 100 per cent. Bilib ako sa tapang n’ya on how to handle things, kung paano niya harapin at mahalin ang buhay nang masaya.
“Nasasaktan at nagagalit din siya pero very positive pa rin siya! Eto ang buhay niya, she’s very happy,” say ni Jaclyn.
***
BUKOD sa pagiging isang showbiz personality ay may isa pang pangarap sa buhay si Kyline Alcantara, ang makapagtapos sa kolehiyo at makakuha ng degree sa tourism. 
Kaya tuloy tanong ng kanyang followers, feel din kaya ni Kyline magtrabaho sa gobyerno at maging tourism ambassadress ng bansa kung dumating ang oras na maglie-low na siya sa showbiz? 
Sa ngayon kasi ay pinagpapatuloy ni Kyline ang pag-aaral at nasa unang taon na siya sa kolehiyo, sa kursong may kaugnayan sa turismo.
“Kailangan ko rin po talagang pag-igihan ‘yung pag-aaral ko para in the future I can find a part-time job or another job or another profession. I want to have enough knowledge about the Philippines so pagdating sa ibang bansa kayang-kaya kong ipagmalaki kung gaano kaganda ‘yung Pilipinas,” saad ni Kyline.
Kahit nag-aaral online si Kyline ay tuloy pa rin ang kanyang showbiz karir. Say nga ng young actress ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” ay hindi biro ang inaabot niyang dusa sa new normal ways of lock-in taping para sa katulad niyang isang mag-aaral pa.
Saan naman kaya humuhugot ng lakas si Kyline para gampanan ang mahigpit niyang schedule sa pag-aaral at sa kanyang online classes?
“Naniniwala talaga ako na it’s always now or never. Kailangan nating malaman ‘yung mga bagay na dapat nating i-prioritize at ‘yung mga bagay na puwede namang ‘Mamaya na ‘yan’ dahil hindi naman siya priority,” sagot ng Kapuso young actress.
Ikinuwento rin ni Kyline na hindi niya maiwasang mag-stress-eating ngayong nasa kolehiyo na siya, at magpapa-deliver din online ngayong panahon ng pandemya.
“I would start eating home-cooked meals dahil ‘yun ‘yung mga hindi ko masyadong nakain last year,” sabi pa niya.
 

 

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">