Advertisers

Advertisers

Pauline hanga sa dedikasyon ni Kristoffer

0 307

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES
THANKFUL ang cast ng Babawiin Ko Ang Lahat sa kanilang co-star na si Kristoffer Martin na naging susi umano para mas maging matibay at close ang samahan nila sa lock-in taping sa Batangas.

 Ayon sa bida ng serye na si Pauline Mendoza, nakita niya ang dedikasyon ng aktor sa kanyang trabaho.

 Kuwento niya, “’Yung experience ko po with Kuya Tuntun, he’s an actor, very professional talaga siya sa craft niya and talagang dedicated siya sa lahat ng ginagawa niya. Hindi lang in real life, pati rin bilang magaling na aktor.”



Dagdag ni Pauline, “Happy ako kasi hindi lang kita nakilala bilang isang magaling na artista, nakilala rin kita on who you really are as a person.”

 Agree naman dito ang kanilang mga kasama sa serye na sina Dave Bornea, Therese Malvar, Liezel Lopez, at Manolo Pedrosa dahil hindi raw pinaramdam ni Kristoffer na mas lamang siya sa kanila, kahit matagal na siya sa industriya.

Samantala, abangan ang nalalapit na pagsisimula ng Babawiin Ko Ang Lahat ngayong Pebrero na sa GMA Afternoon Prime. 

*** 

MiKel nakakakilig: The Lost Recipe, highest rating show ng GMA News TV ngayong taon



SABAY na tinutukan ng MiKel fans ang online guesting nina Mikee Quintos and Kelvin Miranda sa PEP at ang airing ng fourth episode ng The Lost Recipe nitong Huwebes, January 21.
Multi-tasking nga ang ginawa ng tagasuporta ng dalawa dahil habang nanunuod sila ng fantasy-romance series ng GMA News TV ay tutok din sila sa livestreaming interview at nakakapag-post pa ng mga comments at tanong para sa kanilang idolo.

Mapa-TV man o online guesting, isa lang ang masasabi nila, “Sobrang nakakakilig ang MiKel!”

 Bukod sa laging top trending ang The Lost Recipe sa Twitter Philippines, ito na nga ang highest rating program ng GMA News TV ngayong 2021. Grateful naman ang mga bida ng serye sa mainit na pagtanggap ng publiko hindi lang sa kanilang bagong tambalan kundi mismong sa The Lost Recipe.

Say nina Mikee, nakaka-energize nga raw ang magagandang reaction na nababasa nila online. 

“When I feel extra tired, doon ako magbabasa ng tweets, kasi nakakawala ng pagod reading reactions about the show,” ani Mikee. 

Dagdag naman ni Kelvin, “Ginaganahan kami lalo kapag nakikita namin na talagang na-aappreciate ng mga manunuod ‘yung effort ng mga nagtatrabaho sa likod ng The Lost Recipe.”

 And due to insistent public demand, mapapanuod na rin ang full episodes ng first three nights ng The Lost Recipe online! Pumunta lang sa gmanetwork.com at i-click ang “Full Episodes” tab at hanapin ang “The Lost Recipe” para mapanood ang pinakabagong timpla ng Pinoy drama. Siyempre, huwag pa ring kalimutang tutukan ang fresh episodes ng The Lost Recipe, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa GMA News TV.