Advertisers
Nagsimula ang tsismis na ito sa isang blind item na lumabas two days ago. Kesyo kaya raw nawawala sa sirkulasyon ang isang actress/singer ay dahil buntis ito sa isang sikat na actor na may asawa.
May humula na kaagad na sina Robin at Mocha ang tinutukoy sa blind item dahil tumutugma ang deskripyon sa kanila kaya nagpasalin-na ang balita sa showbiz dahil malaking isyu nga naman ito.
Unang nagbigay ng pahayag si Mariel Rodriguez para i-deny ang balita sa kanyang Instagram at sumunod naman nagpabigay ng pahayag si Mocha at sa post ng singer/actress sa kanyang Instagram, Facebook, vlog ng video na nagpapakita na nag-e-exercise siya para ipakita na hindi siya buntis.
Sa caption ay tahasang itinanggi ni Mocha ang tsismis at nahihiya siya kina Robin at Mariel.
“Wala pong katotohanan ‘yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel,“ bungad ni Mocha.
Pawang paninira lang daw ang ginagawa ng nasa likod ng tsismis at tila inaakusahan ang kampo ng isang politician na utak ng pagpapakalat ng maling balita.
“Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si Robin ay masugid na na supporter ni Pangulong Duterte kaya sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nila kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila,” pahayag ni Mocha.
Sa pahayag naman ni Robin ay nahihiya siya kay Mocha dahil magkakilala sila bilang supporter ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para gawan ng malisyosong balita na wala naman katotohanan.
***
Sinabi ni Megastar sa kanyang Instagram na hindi rin niya alam kung bakit kumakalat sa social media na guest siya sa ASAP last Sunday in celebration of her birthday last January 6, gayung hindi naman daw siya umoo.
“Wala po ako sa A.S.A.P sa Sunday! I don`t know why kumakalat sa social media na guest po ako when di naman po ako nag “yes” sa pag-guest at di ko alam pang-birthday ko pala dapat yun, kasi patapos na ang buwan at dahil may work po ako that day at yun lang po ang gusto kong gawin,” paglilinaw ni Sharon.