Advertisers

Advertisers

Tatak Ermita!

0 486

Advertisers

NAPAKAGINHAWA ng aming naging pagbyahe mula sa lalawigan ng Batangas patungo sa kanugnog na Tagaytay City, sa Probinsya ng Cavite kamakailan.

Ginugol ng inyong lingkod ang dalawang araw na bakasyon sa siyudad ng Tagaytay kasama ng aking maybahay at mga anak kabilang dito ang aming panganay sa apat naming supling na nagbalik bayan mula sa Estados Unidos.

Bilang katuparan sa aking pangako sa panganay naming anak, na nakapagtapos ng kanyang doctoral degree sa Univeristy of Cambridge sa London, United Kingdom ay akin itong ginabayan sa kanyang pagbabakasyon sa mga napili nitong tourist spot sa ating bansa.



Tunay na nagsilbing tourist guide ang inyong lingkod ng aking anak na babae na nagtatrabaho bilang head ng English department sa isang unibersidad sa Amerika.

May humigit-kumulang lamang sa kalahating oras ang naging biyahe namin sa di kukulanging 20 kilometrong Diokno Highway mula sa bayan ng Lemery hanggang sa Tagaytay City.

Ang Diokno Highway ay kilala din bilang Tagaytay-Junction-Calaca-Lemery Road na nag-uugnay din sa mga bayan ng Calaca, Nasugbu at Lemery, pawang sa Probinsya ng Batangas, Alfonso, at Tagaytay City sa lalawigan naman ng Cavite.

Ganito na pala kadali at kaaliwalas ang paglalakbay mula sa Batangas patungo sa Tagaytay City.

Malayong-malayo sa kinabihasnan na dati-rati ay may mahigit sa 2-3 oras na byahe bago marating ang Lungsod ng Tagaytay kung magmumula sa Batangas. Natatandaan ng inyong lingkod na naipagawa ang Diokno Highway sa panahon ng panunungkulan ng dating First District Representative Eduardo R. Ermita kayat napakabilis na ng pagbyahe mula sa Batangas patungo sa Tagaytay City.



Maraming mga proyekto naipagawa si Congressman Ed Ermita simula pa sa panahon ng Administrasyon ng dating Pangulong Fidel Ramos.

Sa may walong munisipalidad na binubuo ng Unang distrito ng Batangas, na mga bayan ng Balayan, Nasugbu, Lemery, Taal, Calaca, Tuy, Calatagan at Lian ay ibat-iba ang naihatid na proyekto ni Rep. Ed Ermita, kabilang dito ang maaayos na kalsada, tulay, patubig, eskwelahan, at iba pang mga proyektong pang- imprastrauktura at pang-ekonomya.

Kaya nang mahirang naman bilang miyembro ng gabinite at nanungkulan bilang Secretary of National Defense hanggang sa maging Executive Secretary sa panahon ng Administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay tinulungan nitong maluklok bilang kahalili niya sa pagka- kinatawan ng Batangas First Disatrict ang anak nitong si Elenita Milagros “Eileen” Ermita-Buhain.

Kaya patuloy na naging mabilis ang pag-unlad ng 1st District. Sa masigasig at matapat na paglilingkod ng mag-amang Ermita ay higit na nakilala ang “Serbisyong Ermita”.

Walang pasubaling tinulungan ni Ed Ermita si Eileen para patuloy ang daloy ng mga proyektong pangkaunlaran sa Unang distrito ng Batangas.

Kahit pa nga nang nakapaggretiro na sa pulitika ang dati ring military LtGeneral ng AFP, si Ed Ermita ay parang hindi pa rin ito retirado sa larangan ng paglilingkod sa bayan. Bagamat nasa ikatlo at huling termino na bilang Congresswoman si Eillen ay patuloy pa rin nitong ginagabayan ang kanyang anak.

Ipinakita pa rin naman ng mga Batangueño ang walang sawang nagmamahal sa dating ring AFP Vice Chief of Staff na si Ed Ermita lalo na ng kanyang mga lider sa poltika at ng mga mamayan ng Unang Distrito ng Batangas.

At dahil nga sa napipintong pagtatapos ng termino ni Eileen Ermita bilang kongresista ay napagdesisyunan ng pamilya Ermita na iharap bilang kandidato sa pagka-kinatawan ng Batangas First District ang bunso sa magkakapatid na si Lisa Ermita sa 2022 Elections.

Si Lisa ay dating Executive Secretary. ni Ed Ermita ay hinog na sa karanasan sa politika pagkat nagsilbi din itong Executive Assistant sa Department of National Defense (DND) noong 2003 hanggang 2004.

Naging director din sa opisina sa Malacañang ang bunsong si Lisa simula noong 2004 hanggang 2010.

Kaya kung sa larangan ng pagpapatakbo ng gobyerno ay napakalawak ng kaalaman at karanasan ni Lisa Ermita na siyang kailangan bilang kinatawan o Congresswoman ng First Ditrict ng Batangas.

Nilinaw ni Ed Ermita sa kanyang mga kababayan na si Lisa na at walang iba silang napili sa kanilang pamilya na tumakbo para sa gaganaping Congressional Election sa 2022.

Paglilinaw pa ni Ed Ermita may ilang araw pa lamang ang nakararaan, “Wala po akong ibang tao na binigyan ng pahintulot na tumakbo bilang kinatawan sa darating 2022 Congressional Elections, kundi ang aking bunsong anak na si Lisa Ermita. Ano man po ang inyong nadinig na salungat dito ay hindi dapat paniwalaan”.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.