Advertisers
KUNG hindi ako nagkakamali, panahon pa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo plano ng baguhin ang 1987 Constitution, kaya lang hindi kampante ang publiko sa magiging resulta nito.
Iginigiit ng Kongreso na economic provisions lamang ang kanilang gagalawin subalit hindi pa rin komportable ang publiko na ito nga ang babaguhin. ‘Ika nga, kulang sa paglilinaw kung paano tatakbo ang reporma sa Konstitusyon.
Tatlong modes ang constitutional amendment sa 1987 Constitution: 1) by Congress as a constituent assembly; 2) by a constitutional convention; and, 3) by people’s initiative. In all three instances, any revision to the national charter shall only be valid when approved by the electorate in a plebiscite.
Taumbayan pa rin talaga ang magde-disisyon sa magiging kapalaran ng chacha.
Naghihinala ang mga kontra-pelo sa kasalukuyang administrasyon na baka maging delikado at self-serving lamang sa iilang mambabatas ang pag-amiyenda sa Konstitusyon o kaya naman, palawigin ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinasabi ng posisyon na hindi sila nagtitiwala sa pangako ni Pangulong Duterte na hindi na ito tatakbo para pangulo sa bagong Konstitusyon.
Marami pa rin kasi sa mga Filipino ang hindi pa maka-move on sa naging karanasan sa panahon ng diktaduryang Marcos. Nag-aalala at natatakot sila na baka maulit muli ang kanilang naging malagim na karanasan sa kamay ni dating Pangulong Marcos.
Sa puntong ito, maraming kumokontra sa isyu ng chacha lalo na sa hanay ng oposisyon. Well, isang natural na bagay lamang.
Ang sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang planong isulong muli ang deliberasyon sa Charter change sa huling bahagi ng termino ng administrasyong Duterte ay isang “exercise in futility” at kasalanan sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Haharangin daw ng minority bloc sa Senado ang anumang tangkang isulong ang chacha, sabi ni Drilon.
Ang sabi naman ni House Committee on Constitutional Amendments, Chairman AKO Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, sisimulan nan g kanyang komite sa buwan ng Pebrero ang unang pagdinig sa chacha na nakatutok lamang sa economic provisions, pareho sa resolusyong inihain ni Speaker Lord Allan Velasco.
Hinihikayat ang publiko na subaybayan ang gaganaping pagdinig ng House of Representatives sa charter change sa pamamagitan ng online upang matimbang nila ang pros and cons sa pagrebisa ng tatlong dekada ng Saligang Batas.
Pinagsisikapan ng Kamara na maging accessible sa publiko ang deliberasyon sa chacha sapagkat naniniwala ang mga mambabatas sa transparesiya kaya’t hinihikayat ang publiko na makilahok at magbigay ng kanilang saloobin sa pag-amiyenda sa Konstitusyon
Makatutulong ang pakikinig ng debate at talakayan sa online platform gaya ng official facebook page account ng House of Representatives at youtube.
***
GREETINGS sa House of Representatives accredited reporters, cameramen and crew at Media Center staff, Roger de Mesa at Madz Labog. Stay safe and healthy, guys!