Advertisers
WINARNINGAN ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang mga credit card companies sa ginagawang pananakot sa kanilang mga card holders.
Ayon kay Ong, marami siyang natatanggap na ulat simula noong Bagong Taon na maraming credit card companies ang gumagawa ng “notorious practice” sa pamamagitan ng harassment sa mga klieyente na mayroong pagkakautang.
Dagdag pa ng mambabatas, na ginagawa ito ng mga credit card company sa kabila nang nararanasang mental at emotional stress dulot ng COVID-19 pandemic.
Tinatakot anya ng mga ito ang kanilang mga cardholders na sasampahan ng kaso kapag hindi binayaran ang kanilang mga pagkakautang.
Sa pamamagitan anya ng mga collecting agents sinasabihan ang mga kliyente na ipapa-freeze ang bank accounts o kaya naman ay maghahain ng foreclosure case sa property ng mga cardholders.
Iginiit ng kongresista, ginagawa ito ng mga credit card company kahit na karamihan sa mga tinatakot na may pagkakautang ay panahon na sakop ng Bayanihan 1 at 2 kung saan binibigyan ng grace period para mabayaran ang kanilang mga obligasyon.
Dapat anyang hindi nagreresulta sa pananakot ng mga bangko sa mga may pagkakautang sa kanila bagkus maari naman anyang magbigay ng ”reasonable timeframe”para makapagbayad ang kanilang mga kliyente.
***
Samantala bukod sa mga credit card companies na yan dapat ding busisiin ni Congressman Ronnie Ong o ng kongreso ang HOME CREDIT dahil kahalintulad din ng nabanggit na crdit card companies ang ginagawa ito na bukod sa matinding manakot at mang-harass ay hindi ito nag-iisyu ng resibo sa kanilang mga pina-uutang na ang payment ay dumadaan sa mga money remittance gaya ng 7-11, cebuana, palawan at iba pa na malinaw na isang paglabag sa BIR laws?
Subaybayan!