Advertisers

Advertisers

Kasunduang UP-DND paso’ na

0 248

Advertisers

HINDI humupa-hupa ang isyu ng pagsasa-walang-bisa ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan nito sa pangbansang unibersidad na University of the Philippines (UP).

Nag-palagan ang mga aktibistang mag-aaral nito, maging ang ibang propesor at mga alumni, nasa gobyerno man ngayon o nasa pribadong trabaho. Ginigiit na ang kasunduan na nagsimula pa noong 1989 ay dapat pa rin pairalin, upang di makapasok ang mga militar o kapulisan ng walang pahintulot sa mga opisyal ng unibersidad at di malabag ang kalayaan at karapatan ng mga mag-aaral.

Ang punto naman ng DND rito ay kailangan ng putulin ang kasunduan upang matigil na ang panghihikayat ng mga maka-komunistatng-teroristang samahan sa murang isipan ng mga UP students at maiiwas ang mga ito sa anumang kapahamakang maidudulot sa pagsali nila sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Demcratic Front (CPP-NPA-NDF).



Sa loob nga ng lagpas 30 taon na umiiral ang kasunduan, naging kalasag ito ng CPP-NPA-NDF upang di makapag-sagawa ng ano mang operasyon ang militar at kapulisan sa loob ng UP campus.

Dumami naman ang mga estudyanteng namundok, na-bulagan sa mga propaganda ng mga rekruter ng samahan, at ang iba pa nga ay napaslang, nang di nakikita ng mga magulang na nakapagtapos man lang sana ng pinapangarap na kursong pinag-aaralan.

Ngunit tatlong taon matapos lagdaan ang UP-DND na kasunduan, sumunod ang panibagong kasunduan sa pagitan ng unibersidad at ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) nang maihiwalay ang kapulisan sa DND at mapasa-ilalim naman sa DILG.

Wala naman halos pinag-kaiba ang nasabing kasunduan, ganun pa rin ang kalayaang pang-akademiya at sa mag-aaral ang nakasaad dito, pero sa tingin ko, mas-naaangkop na rebisahin ang kasunduan sa pagitan ng UP at DILG, kung seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral at faculty ng unibersidad ang pag-uusapan.

Sa mahabang panahong lumipas, napakarami nang pagbabago. Ang UP campus na pagka-laki-laki ay napaligiran na ng mga komunidad at mga modernong istraktura na dapat din bigyqn ng proteksiyon galing sa kapulisan, bukod sa mismong populasyon ng mga nag-sisipag-aral at taga-pagturo at maging mga opisyal ng unibersidad.



Ang suliranin sa komunistang-teroristang samahang CPP-NPA-NDF ay matagal ng inaksiyunan maging ng mga nakaraang lider ng pamahalaan, at sa kasalukuyang liderato ay nadeklara pa ang mga ito ng Anti-Terrorism Council na pandaigdigang grupo na ng terorismo, na kinukundina rin ng mga bansang Estados Unidos, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, at New Zealand ang ilan lamang.

Kailangan mag-harap at mag-upuang muli ang mga opisyal ng unibersida at ng DILG upang magbalangkas ng mas matibay at angkop sa makabagong panahon na kasunduan laban sa krimen, na kapulisan lamang ay makakalutas na, upang masiguro ang kaligtasan ng lahat sa loob at labas ng UP campus.

Win-win solution ika nga ito. Dahil ang problema sa komunismo na pilit na isinusulong ng CPP-NPA-NDF ay paso’ na rin at wala nang malolokong Filipino, taga-UP man o hindi, dahil alam na ng buong bayan na ang naging maganda lang ang buhay sa komunistang-teroristang samahan ay ang mga korup na lider nito, gaya ni Joma Sison atbp.