Advertisers

Advertisers

Kris nagreak sa pagtulog ng naka-pearl necklace

0 240

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO
IPINOST ni Kris Aquino ang kanyang larawan na suot ang malalaking pearl necklace habang natutulog. Kasama niya sa larawan ang anak na si Bimby at wala si Joshua, ang eldest son niya dahil nasa Tarlac ito.
“Bimb`s kuya is really loving life in Tarlac…I understand 100% because his Lola Cory would always bring him with her whenever she`d go to check on the Aquino center so for him, being there now gives him a sense of both freedom and security,” bungad na caption ni Kris.
“I chose to post this picture from this morning because literally & figuratively my bunso is my pillar of strength. He knew yesterday was tough. I fell asleep before he did, pero pag gising ko, my tiny hand is being held under his very big one…” sabi ni Kris sa kanilang larawan ni Bimby.
Kasunod ng paliwanag kung bakit siya may suot pa ring pearl necklace. “Bago kayo sobrang ma weird why naka pearls ako with my oversized men`s white shirt na pantulog ko. I read that pearls help balance hormonal fluctuations and they ease stress & anxiety. They are also supposed to enrich a person’s spiritual life & help in creating a caring I harmonious atmosphere at home or in the workplace. Pearls are also supposed to help love and prosperity surround the wearer.”
Say pa ni Kristeta, naloka raw yung staff na nakakita sa kanya dahil akala raw nito ay dadalo siya sa wedding sa Crazy Rich Asians kung saan siya nagkaroon ng cameo role sa wedding scene.
“So yes, natutulog ako wth my pearls on- there was a time several weeks ago na masama talaga ang pakiramdam ko and I read up on all the gems that would help heal me, naloka na yung staff staying with us kasi ang feeling daw nila ready ako mag-attend ulit ng wedding sa Crazy Rich Asians, natawa na lang din ako nung sinabi ni Bimb – mama, I hope you do realize that jewelry isn`t medicine?” say pa ni Kris.
***
TULOY na tuloy na raw ang pelikulang Mamasapano pero ang malaking tanong ay kung may interes pa ba ang tao na panoorin ito. Matatandaan na SAF 44 ang namatay sa naturang insidente na walang kalaban-laban na inambus daw pero walang daw dumating na tulong para sila suportahan kaya lahat ay namatay sa encounter. Matatandaan din na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagtaka kung bakit hindi binigyan ng suporta ang SAF 44 na matapang na sumagupa sa laban.
Ngayon ay isinapelikula nga ang buhay ng Mamasapano massacre at makikita sa istorya ang tunay na naganap sa madugong enkuwento. Kung ipakikita sa movie kung sino ang dapat sisihin sa pagkamatay ng SAF 44 ay posible na magkainteres ang netizens na panoorin ito. Pero kung ‘yung pakikipaglaban lang na humantong nga sa pagkasawi ng 44 SAF ang mapapanood sa movie ay tiyak na lalangawin lang ito sa mga sinehan.