Advertisers

Advertisers

om Brady heads to 10th Super Bowl

0 193

Advertisers

MARAMING nagdududa kung kaya pang lumaro sa highest level ng competition sa football ng 43-anyos na si Tom Brady.

Pinatunayan n’ya ito by throwing 40 touchdowns and over 4,000 yards sa season na parehong nasa bandang itaas ng mga nasabing categories.

Maraming nagsabi na na produkto lang si Brady ng New England system.



He disproved it by leading the Tampa Bay Buccaneers sa playoffs on his first season with the team without the benefit of enough pre-season practice dahil sa pandemic. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang Buccaneers sa playoffs in 13 years.

His former team in New England, meanwhile, failed to reach the playoffs for the first time since 2008. Ito ‘yung season na na-injure si Brady sa unang quarter pa lang ng opening game nila.

Maraming nagsabi na hindi n’ya na kayang manalo at the age of 43.

Well, he just led the Buccaneers to the Super Bowl following their 31-26 win over the Green Bay Packers na pinangungunahan ng paboritong maging MVP this year na si Aaron Rodgers.

Ito ang unang pagkakataon na nanalo ng tatlong sunod na road games si Brady sa playoffs. Palagi kasing division winner ang New England sa panahon ni Brady kaya lagi itong may home field advantage sa playoffs.



Brady wasn’t perfect sa kanilang duwelo ni Rodgers, but he did enough to win.

Ang biggest play para sa Buccaneers ay ang 39-yard touchdown pass ni Brady kay Scotty Miller sa pagtatapos ng first-half. It increased their lead to two possessions, 21-10.

Dahil sa panalo ay nakagawa ng kasaysayan ang Buccaneers, becoming the first team na maglalaro sa Super Bowl sa kanilang home stadium.

This season kasi ay nakatakdang ganapin ang Super Bowl sa home arena ng Buccaneers na Raymond James Stadium sa Tampa, Florida.

This will be Brady’s 10th appearance sa Super Bowl na napanalunan n’ya six times with New England. Apat na beses na rin siyang tinanghal na Super Bowl MVP.