Advertisers

Advertisers

Maling solusyon sa malalang problema ng presyo ng mga bilihin

0 2,975

Advertisers

MASYADO nang malala ang problema ng ating bansa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy, manok, isda, gulay at iba pa.

Araw-araw tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Nangangahulugang mabilis ang takbo ng tinatawag ng mga ekonomista na “inflation rate.”



Sa obserbasyon ko, mas mabilis ang inflation rate ngayong panahon kumpara sa nakalipas na buwan.

Hindi nakakagulat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong Disyembre dahil ganyan na ang praktis sa ating bansa – tumataas ang presyo ng mga bilihin tulad ng karne, manok, baka at iba pa tuwing malapit nang ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.

Tapos na ang bagong taon.

‘Wala’ nang pera ang mamamayan dahil naibuhos na nila para sa dalawang napakahalagang okasyon nitong Disyembre.

Kaya, dapat bumaba na ang presyo ng mga bilihin.



Ngunit, hindi naganap.

Katunayan, patuloy ang pagtaas nito.

Kahit ang presyo ng bigas ay mataas pa rin.

Kauna-unawa kung mahigit P100 ang isang kilo ng baboy, manok, gulay at iba pa.

Kayang tiisin ito ng mga mamimili.

Filipino pa? Taong matiisin.

Ngunit, ibang usapin na kung pumapalo na sa mahigit P300 ang presyo kada kilo ng baboy ng karne, o P400 katulad kahapon dito sa amin.

Ibang usapin din kung higit P300 na rin bawat isang kilo ng isda.

Nakababanas na rin kung malapit nang maging P200 ang kilo ng manok.

Kahit pa sabihin nasa minimum ang sahod ng manggagawa kada araw na P537 tulad dito sa Metro Manila na siyang pinakamataas sa lahat ng minimum na sahod ng mga manggagawa sa lahat ng rehiyon sa bansa ay wala na ring saysay ang totoong halaga ng P537 na ito.

Hindi na P537 ang totoong “purchasing power” nito dahil kakaunting komoditi na lang ang mabibili nito.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi pa kasama riyan ang bayad sa kuryente, tubig, internet connection at iba pa.

At kapag nagkasakit ay tiyak maoobliga kayong maglabas ng pera upang makabili ng gamot.

Ayon sa pinuno ng Department of Agriculture (DA) na si Dr. William Dar, patuloy na suliranin sa African Swine Fever (ASF).

Sabi ni Dar, itong ASF at serye ng bagyo noong Nobyembre ang siyang mga dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy.

Tapos, nakipagsabayan ang ibang mga produkto.

Pokaragat na ‘yan!

Ang solusyong inginuso ni Dr. Dar sa media ay “price freeze” sa karne ng baboy at manok.

Ngunit, kalangang gawin daw ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagitan ng Executive Order (EO).

Ganyan din ang posisyon ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Kasunod nito, naniniwala si Dar na kailanang pagpatuloy ang agresibong pag-angkat ng mga baboy at manok mula sa ibang bansa.

Pokaragat na ‘yan!

Ang pinagmulan ng mataas na presyo ng baboy at manok at maging ibang produkto ay ASF at serye ng mga bagyo, tapos ang tatapos dito ay “price ceiling” at importasyon ng baboy at manok ang ipanglulunas dito?!

Pokaragat na ‘yan!

Malinaw na maling solusyon ang mungkahi ni Dar.

Noong Oktubre, nag-isyu na si DAR ng Administrative Order (AO) na ang layunin ay harangin ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng baboy.

Ngunit, tumaas pa rin pati ang presyo ng iba pang bilihin.

Kahit kailan, hindi solusyon na maglabas ng AO at EO na nag-uutos sa mga negosyante at manininda na hanggang sa ganitong presyo lamang ang dapat itaas ng presyo ng baboy, manok, o anumang komoditi.

Ginawa na ito ilang taon na ang nakalipas, ngunit walang nangyari.

Kahit kailangan, hindi tamang banggain, tutulan at harangin ng utos ng DA secretary at pangulo ng bansa ang galaw at operasyon ng merkado.

Ang banggaan at ugnayan ng lahat ng kalahok sa operasyon ng merkado, kabilang ang mga pahayag ng kung sinu-sinong tao, ay siyang nagtatakda ng presyo ng mga bilihin.

Isa, o dalawa, o higit pa sa mga kalahok na ‘yan ang siguradong agresibong nagpapataas ng mga presyo.

Dapat, madiskubre, mahuli at masukol ang mga salbaheng ito upang mabigyan ng mapagpasyang hakbang tungo sa pagbaba ng mga presyo.

Kung, hindi ‘yan gagawin at ipipilit ni Dar ang kanyang solusyon upang mabigyan ng malakas na batayan ang pag-angkat ng mga baboy at manok, nangangahulugang mayroong masamang pakay si Dr. Dar.