Advertisers

Advertisers

Alex Eala patuloy ang pananalasa sa World Tennis Tour

0 249

Advertisers

PATULOY ang pananalsa ng sumisikat na junior player Alex Eala sa International Tennis Federation (ITF) World Tennis Tour matapos ipahiya ang kanyang seeded rival sa second leg ng W15 Manacor event sa Spain nitong Miyerkules.
Tatlong araw matapos ibulsa ang kanyang unang pro title, ang 15-year-old PH bet ay ginulat ang second seed Mirjam Bjorklund,6-4,3-6,6-3, sa opening round ng $15,000 tournament.
Inabot ng mahigit sa dalawang oras para tapusin ni Eala ang kanyang Swedish rival, na kasalukuyang may hawak ng ITF singles ranking na No.250.
Pumasok na junior reserved, Eala ay naitala ang 2-all sa deciding frame ng mapanalunan ang next two games, bago sumablay ang kanyang served sa seventh.
Ang PH top junior player ay mabilis na nakabawi para basagin si Bjorklund sa eight game at silyuhan ang panalo.
Dahil sa panalo ay nadugtungan ni Eala ang kanyang winning run sa six matches buhat ng pagharian ang first leg nitong weekend.
Naikasa ni Eala ang kanyang second-round meeting kontra Spaniards Alba Carillo Marin, na tumalo sa German qualifier Lena Papadakis,6-3,3-6,6-4.
Huling nagharap sina Eala at Carillo Marin nakaraang November sa parehong $15,000 event sa Castellon,Spain kung saan ang Filipina ay nagtagumpay sa kanyang opening round match sa straight sets.