Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
SASABAK na rin sa TV hosting ang Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan. Ito’y via Lakbay-Pinas, isang bagong travel show na mapapanood very soon sa IBC 13.
Sa FB post ng Daddy Bodyguard ni Janah na si Daddy Boyet Zaplan, makikita ang ilang eksena ng naturang taping last Wednesday. Isang patunay kung gaano ka-supportive ang proud dad sa kanyang talented na bunso. Of course, todo-suporta rin sa baby ng Zaplan family ang mom ni Janah na si Ms. Dencie.
Anyway, nang usisain namin si Janah sa bagong blessing na dumating sa kanya, sinabi niyang nagpapasalamat siya sa magandang pasok ng 2021.
Lahad niya, “Happy po, kasi ang ganda ng bungad ng 2021 sa akin. New opportunities and experiences await, kaya excited rin po ako.”
Dagdag pa ni Janah, “This will be shown po on IBC 13, 9:00-9:30 po, ito ang latest update ko po sa show. Ang Lakbay Pinas po is everything from food, travel and entertainment.”
Ipinahayag din niya na nag-enjoy siya sa unang pagsabak bilang TV host.
“Okay naman po, pero marami pa pong kulang eh, so more to come, hehehe,” sambit pa ni Janah na habang nagma-mature ay lalong nagiging swak para maging beauty queen.
Esplika pa ni Janah, “It was actually fun, kahit na marami kaming nilakad and of course, we still made sure of our safety during the process po, importante po talaga lagi ang safety protocols ngayong may pandemic.”
Hindi niya kaya mapabayaan ang singing career, dahil TV host na siya at may pelikula na rin siya – ang Mamasapano ng Borracho Films?
Aniya, “With this po, I could say I really enjoy this since I love travelling din po kasi. Plus, I get to discover more of the Philippines. Pero as always, time management lagi po ang laban.”
Sa tatlong ginagawa niya ngayon, singing, hosting and acting, singing pa rin ba ang kanyang priority?
“Yes po, niluluto pa rin yung singing career path ko,” saad pa ni Janah na last month lang ay sinungkit ang kanyang third Aliw Awards trophy bilang Best Female Pop Artist sa event na ginanap sa Manila Hotel.