Kim at Xian ‘di pinag-uusapan ang kasal; Regine nanghinayang sa pag-ayaw sa offer ni Coco sa ‘Probinsyano’
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNG tinanggap nga raw ni Regine Velasquez-Alcasid ang offer ni Coco Martin noon sa Ang Probinsiyano, baka till now pati ang karakter nito ay ay hindi pa rin namamatay.
Mismong si Coco pa nga raw ang kumausap sa Asia’s Songbird para mapabilang sa long-running serye.
Natatandaan ni Regine na dala-dala pa ni Coco ang storyline at ang misis ni Ogie Alcasid ay nagustuhan ang kuwento pero sa pagbabalik alaala ni Regine kung bakit ‘di niya tinanggap noon ang offer ni Coco 2 years ago ay marami anya itong commitment.
May concert kasama si Vice Ganda tapos meron din sila ni Sarah Geronimo, dagdag pa ang concert nila ni Sharon Cuneta.
Nanghihinayang man eh puwede naman daw ulit siya pumayag kung may offer na ulit sa kaya Ang Probinsiyano.
***
WALA pa raw sina Xian Lim at Kim Chiu sa usaping kasalan.
Never daw sumasagi sa isipan ng dalawa ang humantong na sa pag-iisang dibdib.
Hindi naman daw kasi sila nagmamadali at ine-enjoy muna nila ang kanilang relasyon bilang magdyowa.
Napag-iiwanan na nga raw ang couple dahil ilang kasamahan nila sa showbiz ang engaged na.
At ‘yung iba nga raw na kasamahan nila ay nag-asawa na at nagkaroon na ng anak.
Pero buo ang desisyon nina Xian at Kim na wala pa silang balak na magpakasal.
May mga gusto pa nga raw ma-achieve ang couple sa kani-kanilang career kaya ‘di nila napag-uusapan ang kasal.
Well, well, well…’Yun na!