Advertisers

Advertisers

P100k shabu nakumpiska sa 2 tulak sa Makati

0 246

Advertisers

ARESTADO ang dalawang drug suspects nang makuhaan ng mahigit 22 gramo ng shabu na may estimated street value na P155,000 sa Water Lily Street, Barangay Rizal, Makati City.
Kinilala ang dalawang dinakip na sina Jonathan Lelis alyas “Toper,” 27-anyos, ng Barangay Rizal; at Jay-R Cocjin alyas “Toto,” ng Brgy. Pulong Candy Dulo, Taguig City.
Sa ulat ni Colonel Harold Depositar, hepe ng Makati City Police Station, nagpanggap na buyer ang isang pulis kaya naging matagumpay ang buy-bust operation.
Bukod sa droga nakuha rin ng pulisya sa dalawa ang caliber .45 pistol, caliber .38 revolver at mga bala.
Nakuha rin ang isang motorsiklo at P500 buy-bust money. (Gaynor Bonilla)