Advertisers
MAPAPASABAK ng husto ang United City FC sa kanilang debut sa 2021 AFC Champions League.
Sa resulta ng playoffs draw nitong Miyerkules ang reigning Philipines Football League champion ay nahanay sa top-tier J1 League champion Kawasaki Frontale at Guangzhou Evergrande Taobao FC ng Chinese Super League.
Ang Daegu FC ng South Korea at Chiangrai United ng Thailand ay maglalaban para sa fourth slot.
Ang group matches ay nakatakda sa April 21 to May 7.
Nasungkit ng Kawasaki ang J1 League title ng tatlong seasons in a row, habang ang Guangzhou nagtapos na No.2 sa 2020 Chinese Super League.
Ayon sa Philippine Football Federation, ang sports national governing body, United City ang maging unang filipino club na sasabak sa AFC Champions League.