Advertisers
Ni ARCHE LIAO
DATI nang napansin ang kakaibang ganda ni Liza Soberano kaya naman ilang beses na siyang tinanghal na ‘most beautiful woman of the world’ sa mga nakaraang surveys at online polls.
Kaya naman, hindi nakaligtas sa atensyon ng Thai matinee idol na si Bright Vachiwarit ang beauty ni Liza kaya finollow niya ito sa Instagram.
Si Bright ay gumanap bilang Sarawat sa hit Boys’ Love (BL) series na “2gether.”
Ang Asian heartthrob ay may humigit kumulang na 6.4 million followers samantalang si Liza ay may 14.8 million followers sa kanyang social media account.
Bukod kay Bright, ang kanyang fellow GMMTV actor na si Luke Plowden ay napansin ang magandang mukha ng dalaga.
Nakita rin niya ang pagkakahawig nila ng girlfriend ni Enrique Gil.
Kaya naman, hindi niya napigilang i-tweet ang aktres na pinagtabi pa niya ang litrato nila ni Liza para ipakita ang striking resemblance nila.
Sinabi niya sa kanyang tweet na sumasang-ayon siya sa sinasabi ng kanyang Pinoy fans na magkahawig sila ni Liza.
“Hi @lizasoberano, I’ve heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you, I guess I can see that,” sey ni Luke.
Agad namang nag-viral ang tweet ni Luke.
Sa ngayon ay mayroon na itong 9.6k retweets at quote tweets, at mayroon na ring 59k reactions.
Maraming fans din ang sumang-ayon na magkamukha nga ang dalawang celebrities bagama’t ang iba ay hindi.
Sa ngayon ay hindi pa nagpapahayag ng komento si Liza sa nasabing viral tweet.
Si Luke ay ay isang Japanese-American actor at model na naka-base sa Thailand. Ilan sa mga proyekto na kasali siya ay ang “Wolf” at “Wake Up Ladies 2: Very Complicated”, na pareho siyang gumanap ng support roles.
Pero ngayong 2021 ay nakatakdang ipalabas ang dalawang proyekto na siya ay bida, ang “Oh My Boss” at “Mama Gogo.”