Advertisers
IBA at malaki daw masyado koleksiyon ng isang bagman o dili kaya’y enkargado na naka-detalye sa Manila Police District , Police Station-2 (MPD-PS2) sa Tondo, Manila.
Kusang dumarating daw ang mga tara dito kay bagman na kinilala lang na isang Tata Jay R. na diumanoy malapit daw kay Yorme Isko Moreno ang mga padrino.
Picking apples anila na parang kendi lang ang koleksiyon nitong si Tata Jay sa mga vendor at mga operator ng mga illegal vices gaya ng mga illegal bookies ng karera, easy two at marami pang iba sa kanyang nasasakupan o area of responsibility (AOR).
Luma-lakas umano ang loob nitong si bagman dahil malapit daw kay Mayor Isko Moreno ang mga padrino nitong gina-gamit sa katauhan nina PS-2 Station Commander Col. Gallora at Lt. Tuviera na siya namang detachment commander ng Dagupan.
Naka-konsentra anila ang koleksiyon nitong si Tata Jay sa kahabaan ng Dagupan st., at C.M.Recto Avenue na kung saan nag-iiyakan na daw ang mga vendor sa taas ng tarang hini-hingi.
Bugbog-sarado din daw ang mga vendor sa kahabaan ng Assuncion, Sto. Cristo, Wagas at iba pang secondary street na kung saan isang Tata Bunso naman ang nangongolekta na tauhan din ni Tata Jay.
Ganoon din ang dina-daing ng ilan kapitalista ng mga bookies ng karera at mga kubrador ng easy two na nasasakupan ng kanilang AOR partikular na sa Moriones st. at sa kahabaan ng Juan luna St. na kung saan sina-sabing kanto lang ang pagitan ng mga bookies.
Dati-rati daw ay tina-tiyaga na lang nila ang laki ng intelihensiyang hini-hingi sa kanila gayong Sabado’t Linggo lang daw ang schedule ng karera.
Ngayong ibinalik na ulit sa apat na araw ang karera, laking gulat daw nila na doble agad ang hini-hinging tara sa kanila sa loob ng isang linggo gayong panawid-gutom lang daw ang kanilang hina-habol.
Maging ang mga street vendor na nag-titinda lang ng mga tusok-tusok tulad ng mga fishball, kwek-kwek etc. ay napilitan na ring mag-taas ng kanilang paninda dahil daw sa taas ng tarang bini-bigay nila lingguhan.
Dominante daw nina Tata Jay at Tata Bunso ang lahat ng laban sa mga nabanggit na lugar at wala naman daw silang magagawa kundi ang mag-tiis kaysa nga naman magutom ang kanilang pamilya.
Have mercy, konting awa at konsiderasyon lang daw ang hini-hingi nila sa kina-uukulan lalo na sa panahong ito ng pandemya na kung saan maka-kain lamang ng tatlong beses isang araw ang kanilang tina-tawid.
Malalaman din natin ang kasagutan kung talagang malapit kay Yorme ang sina-sabing padrino nina Tata Jay at Bunso.
HINAY-HINAY LANG DAW AT HUWAG NAMAN MASYADONG BIGLAIN ANG LABAN AT BAKA DUGUIN ANG MGA KABABAYAN NATIN SA HIRAP NA SINA-SAPIT HE HE HE