Advertisers

Advertisers

Baron pakakasalan na sa simbahan ang ina ng anak

0 247

Advertisers

Ni Juliet Pacot

TULUYAN na ngang pinagbago ng pagmamahal sa pamilya ang dating barumbadong aktor na si Baron Geisler matapos nitong ianunsyo ang nalalapit na church wedding sa asawang psychologist.

Tatlong selebrasyon ang pinaghahandaan ni Baron ngayong taon bagama’t hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic sa bansa.



Ayon sa 38-year-old actor, ito ay ang church wedding nila ng misis, gayundin ang binyag ng kanilang first baby na isasabay na sa first birthday celebration.

“Kaso ‘yon nga, walang mass gathering and we have to obey the rules. But let’s see how we can still do that safe lahat. Baka ‘yung mga ninong o abay naka-zoom lang hawak-hawak nila yung mga tablet nila, di ba? Ganun na lang siguro,” saad ni Geisler.

Setyembre 2019 nang ganapin ang civil wedding ni Baron sa noo’y one year girlfriend niyang si Jamie Marie Evangelista na isang psychologist.

Sunod nito ang pagsailalim niya na sa training bilang military reservist.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">