Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KILIG to the highest level ang mga loyalist nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa isang post ng Kapuso hunk actor sa kanyang Instagram account na nagsasabing:
“Miss you each day, everyday, all the time,” na kinomentohan naman ni Bianca ng isang rose emoji.
Ang naturang nakakikilig na caption ay nakapaloob sa isang larawan nina Ruru at Bianca na titig na titig sa isa’t isa at nakasuot ng pang-jogging.
Wala man tuwirang pag-amin sa tunay na relasyon ng dalawa na naging maingay since nitong nakaraang taon ay makikita naman sa mga larawan nila na magkasama at mga post sa kani-kanyang social media account, na sadyang malalim na talaga ang relasyon nila.
Tsika nga ng ilang supporters ng loveteam ng dalawa na halata raw na mas mahal ni Ruru sa Bianca kaysa mahal siya ng rumored gf. Dahil na rin sa post ng aktor, komento pa rin ng supporters nila, super haba raw ng buhok ni Bianca at napamahal siya nang husto kay Ruru.
Sa ngayon kasi ay malabo pa muling magsama ang dalawa nang may pisikal. May kanya-kanya silang proyekto at halos lahat lock-in tapings pa.
Si Ruru ay abala sa “Lolong” katambal sina Shaira Diaz at Arra San Agustin, samantalang si Bianca naman ay isa sa leading lady ni Dennis Trillo sa “Legal Wives” kaya sa technology na lang sila nag-uusap o nagkikita.
Dagdag pa rito na wala rin silang variety musical show na magkasama sa Siyete.
***
HINDI nga lingid sa kaalaman ng dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach na may kumakalat siyang video na tila nagpapahiwatig na engaged to be married na siya sa businessman-boyfriend na founder and CEO ng Beautiful Destinations na si Jeremy Jauncey.
Noong una ay dedma lang si Pia pero tila hindi na raw siya tinantanan ng mga bashers sa katanungan kung kailan ang kasalan? Ayon kay Pia, sa pananahimik niya ay inakala niyang mamamatay na kusa ang isyu pero hindi pala bagkus mas gumawa pa ito ng ingay kaya minabuti na lang niyang sagutin ito ng isang bagsakan, sa pagsasabing ‘It’s not true’.
Ang isa pang komento sa kanyang inbox na ikinaloka rin ni Pia, bilib daw ang basher sa pagiging pasensiyosa niya dahil sa kahit moody ang kanyang much- younger boypren ay napapanatili pa raw ni Pia ang pagiging beaty queen?
As in kahit kinaloka man ni Pia ang tanong ay game pa rin niya itong sinagot sa pagsasabing 36 years old na ang kanyang boypren at hamak na mas bata pa raw siya rito.
Sa pagiging moody naman daw ng bf, wala rin daw itong katotohanan sa katunayan pa nga raw siya ang moody sa relationship nila ni Jeremy.