Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
DAHIL tayo nga ay nasa panahon ng pandemya, ano ang mga challenges na kahaharapin ni Regine Velasquez-Alcasid at ng buong production team ng Freedom concert ng Asia’s Songbird?
At dahil uso nga ang virtual o digital concerts, ano ang magiging pagkakaiba ng Freedom sa ibang online shows?
“As fas as the technical [side] is concerned, ABS-CBN will take care of that, e. “And parang hindi ako masyadong worried doon dahil nung ginawa namin yung Bantay Bata, it was also live and it was the first online concert that I did and it ran so smoothly, wala kaming naging problema, PLDT also helped us a lot.
“So I don’t think we’ll have a problem with this one [Freedom] kasi gamay na gamay na ni ktx.ph, tsaka gagamitin naman natin yung equipment ng ABS so ano naman yun, world-class naman yun so nothing to worry about.
“As far as the “pasabog” is concerned, naku madami! Madami, madami.
“Ayokong mag-reveal, e. Pero I keep saying it’s a totally different repertoire. A lot of these songs are not within my comfort zone, it’s not my genre. Also I will be singing my own songs, the songs that I have recorded but it’s not the usual song, alam mo yun, yung mga lagi kong kinakanta.
“So basta may mga pasabog siya, hopefully ma-surprise naman ang lahat.”
May audience participation din daw sa Freedom, tulad sa mga nakaraang concerts ng Asia’s Songbird.
“But it’s an after-party… we will finish the concert first and then after we will have an after-party. But this perk is for the VIP tickets, which is already soldout. Kasi after niyan, meron kaming meet-and greet, and I will also have like a request portion.
“Kasi nga I’m not gonna be singing my usual repertoire so kung meron silang gustong kantahin ko… hopefully may boses pa ang lola nyo nun ha, hopefully, ha?
“I’m sure may magre-request ng And I Am Telling You, yung mga ganun ba, so hopefully may boses pa ako,” at tumawa si Regine, “para naman mapagbigyan ko naman yung mga hindi nila nadinig. Again, this is for the VIP ticket holders.”
Handog ng ABS-CBN Events, IME, at PLDT ang Freedom concert na nasa ilalim ng stage direction ni Paolo Valenciano at musical direction ni Raul Mitra.
Soldout na ang VIP tickets para sa concert 12 oras pa lamang simula nang ilabas ito, pero mabibili ang tickets para sa general admission sa halagang Php 1,200 (24.99 USD) sa ktx.ph at malapit na ring maging available sa iWantTFC.
Ang Freedom digital concert ay mapapanood sa ktx.ph, TFC IPTV, at iWantTFC sa Valentine’s Day, February 14 (Linggo), 8pm (Manila time).
***
KAKAIBA ang kuwento na mapapanood ngayong Sabado sa Magpakailanman.
May pamagat na Mahal Ko ang Asawa ng Ama Ko, tampos sa naturang episode sina Katrina Halili bilang Mikaela, Allan Paule bilang Ambet, Dion Ignacio bilang adult Bong, Kelvin Miranda bilang adult Popoy, Marc Justin Alvarez bilang batang Popoy at Bruce Roeland bilang batang Bong. at
Iiwan ni Sally, (gagampanan ni Ana Castro) ang kanyang pamilya. Maiiwan kay Ambet ang mga anak na sina Bong at Popoy.
Magkakaroon ng bagong kinakasama si Ambet, si Mikaela at magkakaroon ng pagtingin sa kanya (Mikaela) si Bong.
Ang naturang Magpakailanman episode ay sa direksyon ni Paul Sta. Ana at mapapanood ngayong Sabado, 8 pm sa GMA.