Advertisers

Advertisers

Heart natawa nang gawing peg ni Paolo sa product endorsement

0 266

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SINADYA man o nadaanan lang ng kotse ni Heart Evangelista, aliw na aliw at pinagtawanan lang ng Kapuso actress ang isang billboard na si Paolo Ballesteros ang image model ng produkto na naka-make up na siya ang peg.

Sa naturang billboard ay nakasaad ang mga katagang: “Nakabenta na kami, pero ‘di pa rin namin afford yung celebs.”



Bago pa man lumabas ang naturang billboard ng Orocan Plastic na si dabarkads Paolo as Hurt Evangelista nga ang product endorser, naglabas na muna ang naturang manufacturer ng mga teaser sa internet  na nagsasaad na ‘pag nakabenta na kukuha na kami ng celeb endorser’.

Tawang-tawa daw si Heart nang makita ang mukha ni Paolo na ginagaya siya with all the make-ups at bitbit ang isang malaking Orocan ice bag. Sa kasiyahan ni Heart ay nagawa pa niyang sakyan ang caption sa billboard sa pagpopost sa kanyang socmed personal account nang litrato ng naturang billboard at may caption na “Omg Orocan…. don’t be ‘hurt’ na.”

But wait hindi lang sa billboard ini-impersonate ni Paolo si Heart kundi maging sa mga video ads ng Orocan ay ginawa rin ni Paolo as Hurt ang vlog ni Heart na nag-video si Paolo na tila isang walk-in closet tour at pinakita ang mga ‘mamahaling’ bag at kahilera nito ay iba’t ibang size o  laki ng isang Orocan Ice Bag.

And speaking of Heart,  malakas ang bulung-bulungan na ang bagong Kapuso actor na si Richard Yap ang magiging leading man niya sa bago niyang gagawin teleserye sa Siyete, ang “I Left My Heart in Sorsogon.”.

***



MARAMI ang nakapupuna sa mga followers ni Paolo Contis ang pagkabawas ng kanyang timbang. Eh kasi nga naman live siyang napapanood kada Linggo sa “All Out Sundays” at sa comedy gag show na “Bubble Gang” kada Biyernes.

At mas lalong nag-level-up ang katanugan kay Paolo sa kapuna-punang kapayatan niya nang magpost ang aktor sa kanyang sariling socmed account ng mga katanungan na ito:

“Kaya ko pa ba ‘to ibalik? at Gusto ko pa bang pahirapan ang sarili ko para ibalik ‘to?”

Pero sa kabila ng puna ng mga supporters ni Paolo ay masaya umano ang aktor sa pagkabagsak ng kanyang timbang. Halos 30 lbs nga raw ang nawala sa kanyang taba.

Para kay Paolo, hindi raw kawalan sa kanya kung sakali man na mabawasan siya ng 30lbs bagkus isa raw itong ganansiya sa kanyang kalusugan.

Napuna  kasi ng aktor na madali na siyang hingalin dahil na rin sa pagtaba niya. Kaya ginawa niya ang pagpapapayat para sa anak niyang 4 years old na at lagi niyang nilalaro pero nahihirapan na siyang makipagsabayan dahil nga sa hingal na inaabot niya.

Gusto kasi ni Paolo na habang nagkakaedad ang kanyang mga anak ay nakakalaro pa rin niya o makaka-bonding sa mga  mapisikal na aktibidades.

“Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking,” say ni Paolo.