Advertisers
ANG Philippine National Police (PNP), sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay nagsasagawa ng mga aktibong hakbang upang muling magtaniman sa isang bahagi ng Marikina Watershed Area sa Rizal bilang bahagi ng police organization’s social responsibility sa pangangalaga sa kapaligiran.
“This initiative is not only socially relevant but is deeply rooted in the PNP core values of Maka-Diyos, Makabayan, Makatao at Maka-Kalikasan,” pahayag ni PNP Chief, Police General Debold M Sinas nang pangunahan ang 900 PNP personnel, DENR employees, at ang 4×4 Expedition Philippines, isang NGO partner ng police agency, sa isinagawang massive tree-planting program sa Rizal nitong Linggo ng umaga.
Itinanim ang humigit-kumulang 10,000 na sari-saring punla ng hardwood at fruit-bearing species sa may bahagi ng 368-hectare reservation na iginawad sa PNP Special Action Force sa ilalim ng Presidential Proclaim 1355 serye ng 2007 sa Sitio Canumay, Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal.
Dumalo sa naturang aktibidad sina DENR Undersecretary for Special Concerns, Edilberto C Leonardo, actor Albert Martinez, 4×4 Expedition PHL ambassador, at Bureau of Corrections head Gerald Bantag kung saan iginawad din ng ahensiya ng DENR na may land reserve.
Sinabi ni Sinas na nakatuon ang PNP na makita ang mga punong ito na tumutubo sa pangangalaga ng PNP SAF, upang maging buhay na bantayog ng pambansang adbokasiya para sa pangangalaga sa kalikasan. Ipinangako ni Sinas na makipagtulungan sa DENR sa pagtugon sa proteksyon ng mga bakawan sa bansa.
“The police can serve as instrument of the DENR in pursuit of ecological balance and against natural resource degradation due to “kaingin”, illegal mining, illegal logging, illegal fishing, and other violations of environment laws,” dagdag pa ni Sinas.(Gaynor Bonilla)