Advertisers

Advertisers

Lindsay nagreak sa ‘romansa’ kay Dingdong; Elias tanggap na hiwalay na ang parents na sina Lloydie at Ellen

0 295

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MAY nag-post ng larawan ni John Lloyd Cruz na sakay ng motorsiklo na kasama ang kanilang anak ni Ellen Adarna na si Elias.

Kung pagbabasehan ang background ng larawan ng mag-ama ay mistulang nasa paligid lang ito ng Ayala Village kung saan nakatira ngayon si Ellen.



Masaya ang mag-ama sa larawan na bonding na rin matatawag. Nangangahulugan lang  na tanggap na rin ng bata ang sitwasyon ng kanyang magulang.

Samantala, masaya at excited na ang loyal fans ni John Lloyd dahil sigurado na ang pagbabalik-showbiz ng actor. May pelikula siyang gagawin this year katambal si Bea Alonzo.

Balita ring naka-line up na rin sa ABS-CBN Films ang pelikulang pagsasamahan nina Lloydie at Sarah Geronimo.

Si Ellen naman ay may sitcom sa TV 5 na John En Ellen kaya very visible na rin ngayon ang sexy controversial actress.

***



MATAPOS magbigay ng pahayag sina Mocha Uson at Robin Padilla tungkol sa buntis isyu ay nagsalita na rin si Lindsay de Vera.

Sa interview ni Jobert Sucaldito sa pamamagitan ng phone patch sa online talk show nito kay Lindsay  tungkol  sa isyu  na may relasyon sila ni Dingdong Dantes.

“I want  to  clarify  my name as well as Kuya Dingdong`s  name that  we don`t  have  that  kind of  relationship. I  respect Kuya Dong as  a  person and as an actor and as a husband and siyempre, I also respect his wife. Fake news po iyon. I don`t want  na maisyu sila dahil they are a very sweet couple and they are  a beautiful  family,” pahayag ni Lindsay.