Advertisers

Advertisers

Vickie iuurong ang kasal kay Jason para sumabak muli sa Bb. Pilipinas 2021?

0 318

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SULIT para sa bagong loveteam na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ang lahat ng hirap at pangamba na naranasan nila para sa trending ngayon na teleserye ng GMANewsTV na “The Lost Recipe”.

Bukod pa sa pagte-trending ng serye ng tambalang MiKel, ito rin ang highest rating show ng GMANewsTV.



Marami kasi ang nainlab sa ganda ng istorya at pagkagawa ng “The Lost Recipe” kaya sa ngayon palang ay hinuhulaan na ang MiKel ang

new loveteam to watch dahil na rin sa lakas ng chemistry ng dalawa.

Sey nga ni Mikee, hindi niya akalain na tatangkilikin sila nang sobra ng masa at lahat ng kanyang kaba sa dibdib ay nawala lalo pa pag nababasa niya ang  magagandang komento para sa tambalan nila Kelvin.

Nang ialok kay Mikee ang naturang proyekto ay hindi naalis sa young actress na mag-isip kung kakayanin kaya niyang magdala ng isang serye at kung tatangkilikin ba ito ng masa. Dagdag pa rito ay hindi niya personal na kilala ang magiging leading man niyang si Kelvin.
Ang naging first impression ni Mikee kay Kelvin ay isang taong hindi palakibo at  medyo iwas din sa binata bago pa man silang magsimulang mag-taping. Sa huli ay napagtanto ni Mikee na mali ang kanyang impresyon kay Kelvin dahil first day ng kanilang workshop, in preparation sa tapings ng serye, ay madali palang pakisamahan at palakaibigan daw si Kelvin. Kaya walang naging aberya nang mag-first day taping na sila.

***



OPEN ang dyowa ni Jason Abalos na si Vickie Rushton na muling sumabak sa parating na Binibining Pilipinas International 2021. Goal na ni Vickie na makakuha ng isang title sa BB. Pilipinas Beauty Pageant pagkatapos na pulos runner-ups ang nasusungkit niyang titulo.

Kagaya na lang ng Binibining Pilipinas 2018, naging first runner up siya at ng sumunod na taon, Binibining Pilipinas 2019 ay napasok naman siya sa Top 15 lamang.

Tsika ngang maging pagpapakasal nila ni Jason ay iniliban na niya muna para sa pagsabak muli ni Vickie ngayong taon sa Binibining Pilipinas International 2021. Pero sa takbo ng pangyayari tila malabo nang masungkit pa ni Vickie ang pinapangarap na titulo dahil sa age requirement.

Naglabas kamakailan ang direktor ng Miss International na si Stephen Diaz na nagkumpirma na kailangang between 18 to 28 years old ang age limit ng padadalang kandidata ng mga bansa para sa Miss International title to take place in Yokohama, Japan, ngayong November. Sa ngayon ay 29 years old na si Vickie. So, what’s her next move?