Advertisers

Advertisers

Popularidad ni Maribel Aunor sa showbiz, nakatulong sa negosyo

0 405

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SABI nga nila madalas kapag artista o singer lalo na kung sikat ay may CI (corporate image).

Yes, totoo naman ito like Maribel Aunor na hindi matatawaran ang kasikatan noong dekada 70 na umabot pa hanggang 80’s kasama ang tatlo pang miyembro sa tinitilian noon ng mga kabataan na “A-



pat Na Sikat.”

At bongga si Ma’am Maribel at after showbiz ay may fall back agad siya matapos makapag-aral at makapag-plano. Hayun, nagtayo siya noon ng promotion agency hanggang sa ginawa niya itong Manpower Agency na Golden Legacy Jobmovers Corporation na located sa 2174 & 2149 Taft Business Centre Bldg., Taft Avenue, Malate, Manila at ang LA AUNOR Realty Holdings Corporation na siya ang President at CEO.

Yes, kung noo’y ang pagpapasaya sa maraming tagahanga nila ni Arnold Gamboa ang bigay ni Ma’am Lala, ngayon ay ang pagtulong naman sa ating mga kababayang proffesionals o hindi para makapagtrabaho sa iba’t ibang bansa ang matagal na rin nitong ginagawa.

Ilan sa mga kailangan nila sa Golden Legacy Jobmovers Corp ay ang Assistant Professors with at least 2 years teaching experience at PhD in Nursing at maganda ang monthly salary sa trabahong ito. Pwede ring mag-apply ang mga gustong maging domestic helper sa Qatar at Saudi Arabia at protektado kayo ng said agency. Yes, kahit may pandemya ay tuluy-tuloy ang operasyon ng mga negosyo ng dating singer-actress dahil maraming empleyado ang umaasa sa kompanya.

Infairness to Ma’am Lala, marami pa rin ang mga nakakilala sa kanya bilang artista at singer kaya kasama ng kanyang pagiging hardworking, mabait na boss at maayos at magandang pamamalakad sa kanyang mga business ay successful ito sa matagal nang panahon.



***

Fil-Am Recording Artist JC Garcia Pinaka-healthy Sa Nagkaroon Ng Covid 

Kahit na ini-insist ng doctor at ng nurse ng Sutter Mills Peninsula sa San Francisco, California matapos siyang maging positibo sa Covid-19 na dapat ay maranasan ng Fil-Am singer na si JC

Garcia ang lahat ng sintomas ng taong na-infect ng coronavirus, never na humina ang katawan niya, maayos ang kanyang paghinga at hindi rin nawala ang kanyang pang-amoy at panlasa.

Maging ang vomiting at diarrhea ay hindi nangyari sa kaibigan naming artist kundi inubo lang siya.

Kaya nagduda tuloy si JC na baka nagkamali lang ng findings ang kanyang doctor at wala naman talaga siyang Covid. Ramdam ni JC na kaya hindi siya pinabayaan ng Itaas ay dahil sa maliban sa God fearing person siya ay ipinag-pray over siya ng kanyang brother na si Joey at ng kasapi sa congregation.

Kaya naman naging maginhawa ang tulog niya at kinabukasan ay nagawa na niyang magluto ng adobo, sinigang, mag-Tiktok at kumanta sa Smule.

Nakabalik na rin si JC sa kanyang trabaho sa Security Public Storage kung saan mataas ang kanyang posisyon. “God is good  all the Time,” sabi pa ni Garcia na nakapag-unwind na rin kasama ang co-singer BFF na dancer partner na si JenJen.

Sa pagbisita naman nito sa isa pang friend sa Los Angeles ay aksidente namang nakasalubong ni JC ang indie singer-actor na si Clifford Allen Stralla na naging front act niya sa isang concert sa Sacramento,USA.