Advertisers

Advertisers

Sharon kinagat sa nguso ng alagang aso

0 291

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA IG post ni Sharon Cuneta ay ikinuwento nito sa kanyang followers na kinagat siya ng alagang aso.

Hinalik-halikan daw siya ng pet dog na si Daisy at dahil dog lover ang Mega ay bumawi rin ito ng halik.



Pero ‘di naman inakala ng Megastar na bigla na lang siya kakagatin ni Daisy.

Six years na rin daw nila inaalagaan ang nasabing aso. Itinuro pa ni Sharon sa kanyang followers ang kanyang nguso na nakagat ni Daisy.

May nalasahan pa nga raw ang Megastar na dugo habang nagga-gargle at nilagyan pa nito ng ice pack.

Thankful naman si Sharon at hindi ganun kalala ang kagat ni Daisy sa kanya.

***



DAHIL sa hindi naging maayos ang pag-alis ni Maja Salvador sa bakuran ng ABS-CBN ay ‘di na nga raw ito puwedeng lumabas sa ibang network matapos na ‘di na ito mabigyan ng franchise.

Hindi naman daw kasi naging okey ang pagpunta nito sa Sunday Noontime Live ng TV5 na maagang natsugi sa ere.

Kaya naman ang netizens ay nagtatanong kung saan na raw mapapanood si Maja gayong nagdeklara na ang dati nitong home studio na ‘di na siya puwedeng lumabas sa Kapamilya na nagpasikat sa kanya.

May bulungan kasi na baka maging Kapuso o Kapatid na ito matapos payagan ng dati nitong home network na sa ibang network na lumabas.

Pero dedma ang aktres sa sitsit na magiging Kapuso o Kapatid na siya.

Kaya ang tanong, tuluyan na raw bang mawawalan ng career si Maja?

Well, well, well… ‘Yun na!