Advertisers
Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin sa kanyang bahay sa Barangay Batasan Hills, Quezon City Biyernes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Luis Abrigo, 50.
Ayon sa asawa ng biktima na si Tessie Valero, na natutulog siya pero biglang nagising dahil may narinig silang mga taong pilit na binubuksan ang pintuan.
Sa ulat, nakalaya si Abrigo sa kulungan noong June 6, 2020 nang maabsuwelto sa kasong droga pagkatapos ng pitong taon.
Wala umanong kaaway ang kanyang asawa kaya blangko siya sa kung sino ang posibleng nasa likod ng pagpatay kay Abrigo.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon sa krimen. (Boy Celario)