Advertisers

Advertisers

Dahil parehong Kapamilya… Janine aprub makapareha ulit ang ex-labs na si Elmo

0 218

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KAPUNA-PUNA na sa pag-ober da bakod ni Janine Gutierrez mula sa Kapuso Network sa pagiging Kapamilya ay tila baon ng aktres ang pangalan ng kanyang lola na si Pilita Corrales. Una na rito ay ang first guesting niya sa ABS CBN 2, sa “ASAP Natin ‘to’ kung saan siya opisyal na winelkam bilang isang certified Kapamilya at nagbigay pa ng production number kasama ang ASAP hosts na sina Martin Nievera, Ogie Alcasid at Gary Valenciano.

Sa panayam kay Janine kung ano ang pakiramdam at nakasama niyang kumanta ang magagaling na singers ng bansa. Ayon kay Janine, naalaala niya ang kanyang lola na si Pilita na tinaguriang  Asia’s Sentimental Songstress at ayaw raw niyang mapahiya ang kanyang lola sa mga kapwa niya singers kaya kahit nandun ang kaba ay binigay raw ni Janine ang kanyang best performance para makasabay sa mga ito.



At isa pa ring tsika, magiging kauna-unahang proyekto raw niyang gagawin sa bakuran ng ABS-CBN ang teleseryeng ‘Darna’  na pagbibidahan ni Jane De Leon, at si Janine raw ang napipisil na maging Valentina, ang main kontrabida ni Darna.

Ayon kay Janine, abangan na lang daw ang mga susunod pang detalye kung ano talaga ang gagawin niyang kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN. Kung sakaling siya man daw ang  magiging Valentina ni Darna, flattered si Janine dahil sa bata palang ay napapanood na niya si Darna na kalaban si Valentina at isa rito ay sa pelikulang pinagbidahan ni Anjanette Abayari bilang Darna at ang lola naman niya na si Pilita bilang si Valentina, ang “Darna: Ang Pagbabalik” last 1994.

Sa katanungan kung open ba si Janine sa ideyang buhayin muli ang loveteam nila ng ex-boypren na si Elmo Magalona, matalinhagang sinabi ng actress na bahala na raw ang ABS-CBN kung sino man ang ipapareha sa kanya.

Welcome raw ito kay Janine at malaki ang tiwala sa kung anuman ang balak ng Dos sa kanyang karir.

***



MEG IMPERIAL NAASIWANG KALABING-LABING ANG BESPREN SA PELIKULA 

NITONG nakaraang taon pa natapos ni Meg Imperial ang pelikulang “Sana All” pero dahil inabutan ito ng pagsasara ng mga sinehan sa buong bansa dahil sa pandemya ay hindi ito naipalabas.

Ngayon ay nakatakda na itong mapanood sa normal way, sa virtual screening. Knows naman na hirap pa rin makaabante ang mga pelikulang pinalalabas via virtual screening kahit may ilang sinehan nang open sa mga probinsiyang may zero case ng COVID 19.

“To be honest, kinabahan pa rin po ako kasi hindi pa talaga fully recovered ang lahat from the pandemic pero excited din at the same time na maipakita itong movie namin sa mga tao,” saad ni Meg.

Dahil sa may pagka-romantic ang tema ng pelikula ni Meg at bago ang katambal na si Arvic James Tan ay aminado ang sexy actress na naasiwa siya sa kanyang bagong leading man lalo na sa mga sexy scene.

Say ni Meg, hindi ganun kadali para sa kanya na mag-emote sa harap ng kanyang kaibigan.

“Actually, ang hirap po nung nagsisimula kami kasi magkaibigan po kami, so pag nagkakatinginan kami ni Arvic natatawa ako bigla. Ganun po talaga pag magkaibigan tapos nagkatrabaho kayo as loveteam and ‘yon po talaga yung struggle do’n,” say pa ni Meg.

At dahil kailangan sa trabaho at sa tulong ng kanilang direktor, medyo asiwa man ay naitawid pa rin ni Meg nang maayos ang mga love scene nila ng kaibigang si Arvic.